News Update

Archive - Jun 18, 2008

Date
Type

Di nagpatinag

Nagtaas ng mga plakard ang progresibong grupong Anakbayan nang dumaan ang sasakyan ni Pang. Arroyo sa kanto bago mag-Bankerohan bridge sa Davao City noong Hunyo 18. Papunta si Arroyo sa deklarasyon ng pagsasanib ng mga partidong Lakas-CMD at Kampi
(Kabalikat ng Malayang Pilipino). (Barry Ohaylan)

Ramdam ang kaunlaran?

Ramdam ang kaunlaran, ayon sa mga tarpulin sa mga lansangan ni Pang. Arroyo. Subalit kabaligtaran ito. Halos 40 porsiyento ang naghihirap na mga mamamayan sa kasalukuyan (Boy Bagwis)

Ramdam ang kaunlaran, ayon sa mga tarpulin sa mga lansangan ni Pang. Arroyo. Subalit kabaligtaran ito. Halos 40 porsiyento ang naghihirap na mga mamamayan sa kasalukuyan. (Kuha ni Boy Bagwis sa Las Piñas City)

Garb dinepensahan ng progresibong party-list

in

Ilang-Ilang D. Quijano

DINEPENSAHAN ng mga kinatawan ng progresibong mga party-list na Bayan Muna, Anakpawis, at Garbriela ang Garb (Genuine Agrarian Reform Bill) o House Bill 3059 laban sa umano’y malisyosong mga paratang ni Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel na pabor sa ekstensiyon ng Carp (Comprehensive Agrarian Reform Program), 20-taong

Pambobomba sa Sulu ipinatitigil

in

Noel Sales Barcelona

IGINIIT ng MPC o Mindanao People’s Caucus na itigil ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang pambobomba sa pinaghihinalaang kuta ng mga Abu Sayyaf na dumukot kina Ces Oreña-Drilon, anchor ng ABS-CBN, Jimmy Encarnacion, kanyang cameraman, at Prop. Octavio Dimampo, tagapangulo ng MPC, dahil isinasapanganib nito ang buhay ng tatlo.

Mahihirap na Pilipino aabot sa 1.2 M?

in

Jean Campos, Rodalyn Capilo, Mary Rose Retrita

NANGANGAMBA ang Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) na maaaring umakyat ang bilang ng mahihirap na Pilipino sa 1.17 milyon sa katapusan ng taon kung magpapatuloy ang pagtaas sa presyo ng langis.

Tinatayang aabot sa P75.15 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Disyembre kung mananatiling buwanan ang pagtataas nito, na ibinabala ng mga kompanya ng langis.

Grupo ng abogado pinasalamatan ng NDFP

in

Ilang-Ilang Quijano

PINASALAMATAN ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines) ang pandaigdigang grupo ng mga abogado na IADL (International Association of Democratic Lawyers) para sa pagtatanggol sa karapatan ni Jose Maria Sison, punong pampulitikang tagapayo ng NDFP, at iba pang mga Pilipinong nakatira sa The Netherlands.

P9,000 dagdag-na-sahod ng guro, suportado

in

Ilang-Ilang Quijano

INUDYOK ni Gabriela Rep. Luz Ilagan ang mga kapwa mambabatas na dinggin ang panawagan ng mga pampublikong guro na isabatas ang P9,000 dagdag na sahod across the board sa buong bansa.

“Panahon nang itaas ang suweldo ng mga guro na isa sa pinakamababa, “ ani Ilagan, dating guro sa Mindanao.

Pagluluksa sa UP idineklara

in

Ilang-Ilang Quijano

PITONG araw ng pagluluksa ang idineklara ng mga estudyante, guro, at kawani ng UP (University of the Philippines) para tutulan ang komersiyalisasyon ng UP at pagtataas ng matrikula, alinsabay ng pagdiriwang sa sentenaryo ng unibersidad mula Hunyo 16 hanggang 22.

70 pamilya sa Rodriguez, mapapalayas

in

Soliman A. Santos

PITUMPONG pamilyang nagsasaka sa Rodriguez, Rizal ang mapapalayas mula sa kanilang lupa dahil umano sa isang proyekto ng gobyerno.

Ayon sa Parawagan Upland Farmers Association, mapapalayas ang kanilang mga miyembro dahil sa panukalang Community-based Forest Management ng Department of Environment and Natural Resources sa kanilang lugar.