News Update
Archive - Jun 25, 2008
USS Reagan, barkong pandigma, di pansagip
Ilang-Ilang D. Quijano
IBINULGAR ni Sen. Rodolfo Biazon, dating hepe ng Armed Forces of the Philippines, na pandigma ang USS Ronald Reagan, barkong ipinadala ng gobyernong US sa Pilipinas para tumulong sa mga operasyong pansagip sa lumubog na barkong MV Princess of the Stars sa Romblon.
Gastos sa paglalakbay ni Arroyo P620-M sa ’07
Ilang-Ilang D. Quijano
BINATIKOS ng CEGP (College Editors Guild of the Philippines) ang “pagiging magarbo ni Arroyo sa panahon ng kagipitan at trahedya,” patungkol sa pananatili ng Pangulo sa Estados Unidos sa kabila ng paglubog ng barko ng Sulpicio Lines at pagsalanta ng bagyong Frank na kumitil sa buhay ng daan-dang Pilipino.
Iskemang ‘kontra-OFW’ sa Europa ikinaalarma
NAALARMA ang grupong Migrante at ng mga senador sa niraratsadang regularization scheme sa EU (European Union) na makakaapekto diumano sa libu-libong di-dokumentadong OFW (Overseas Filipino Workers) doon.
OFW hinikayat tumulong sa nasalanta ng bagyong Frank
HINIKAYAT ng Migrante-Middle East ang mga kapwa-OFW (Overseas Filipino Workers) na magdonasyon para sa nasalanta ng bagyong Frank sa Pilipinas.
Bagong kautusan sa Carp, ilegal --Mariano
Soliman A. Santos
Binatikos ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano ang isang kautusan ng DAR (Department of Agrarian Reform) hinggil sa Agribusiness Venture Arrangement dahil pabor umano ito sa mga asyendero sa Kongreso na nais buhayin ang Carp (Comprehensive Agrarian Reform Program) para mapaigting pa ang kanilang kontrol sa lupa.
‘Ka Dan’ Vizmanos, pumanaw na
Ilang-Ilang D. Quijano
PUMANAW noong Hunyo 23 ng gabi si (Ret.) Capt. Danilo “Ka Dan” Vizmanos sa edad na 79.
Si Vizmanos ay rebeldeng opisyal ng militar na ikinulong noong Batas Militar at malao’y naging aktibo sa iba’t ibang mga organisasyong progresibo.
Bigas mula Vietnam, overpriced?
Ilang-Ilang D. Quijano
OVERPRICED ba nang hanggang $197 kada MT (metro tonelada) ang bigas na bibilhin ng NFA (National Food Authority) mula sa Vietnam?
Di makapaglayag?
Mistulang grounded ang porter na ito sa Cagban port sa Malay, Aklan, tulad ng mga pampasaherong barko ng Sulpicio Lines matapos ang bagyo na nagpalubog sa MV Pricess of the Stars. Sa aktuwal, nagpapahinga lamang siya sa paghahatid ng mga turista sa isla ng Boracay. (Ariston Valle)

RSS