News Update

Archive - Jun 3, 2008

Date

Martsa-libing ni Crispin "Ka Bel" Beltran

Mula katedral ng Iglesia Filipino Indipendiente sa Taft Ave. kung saan ibinurol si Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran, nagmartsa ang progresibong mga grupo patungong Mendiola, sa unang bahagi ng libing-martsa noong Mayo 28. (Ilang-Ilang Quijano)

Mula katedral ng Iglesia Filipino Indipendiente sa Taft Ave. kung saan
ibinurol si Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran, nagmartsa ang
progresibong mga grupo, sa pangunguna ng KMU (Kilusang Mayo Uno),
patungong Mendiola, sa unang bahagi ng libing-martsa noong Mayo 28.
(Ilang-Ilang Quijano)

Bulaklak

Nagpadala ng mga bulaklak ang rebolusyonaryong mga grupo bilang pagpupugay kay Beltran, 75, na namatay sa aksidenteng pagkakahulog sa bubungan ng kanyang tahanan noong Mayo 20. (Danny Pata)

Nagpadala ng mga bulaklak ang rebolusyonaryong mga grupo bilang pagpupugay kay Beltran, 75, na namatay sa
aksidenteng pagkakahulog sa bubungan ng kanyang tahanan noong Mayo 20.
(Danny Pata)

Di-malilimot na salita

Nakaimprenta sa t-shirt ng manggagawang ito ag makasaysayang mga salitang binitiwan ni Beltran noong nililitis siya para sa paglaban sa diktadurang Marcos. (Ilang-Ilang Quijano)

Nakaimprenta sa t-shirt ng manggagawang ito ag makasaysayang mga
salitang binitiwan ni Beltran noong nililitis siya para sa paglaban sa
diktadurang Marcos. (Ilang-Ilang Quijano)

Kahalagahan ni Ka Bel sa maralita

Binabasa ng mag-inang ito ang isang polyetong nagpapaliwanang ng kahulugan ng buhay ni Beltran, na ipinamahagi ng mga raliyista sa dinaraanang maralitang mga komunidad. (Ilang-Ilang Quijano)

Binabasa ng mag-inang ito ang isang polyetong nagpapaliwanang ng
kahulugan ng buhay ni Beltran, na ipinamahagi ng mga raliyista sa
dinaraanang maralitang mga komunidad. (Ilang-Ilang Quijano)

Mula sa mga rehiyon

Naglakbay pa mula Timog Katagalugan ang mga manggagawang ito para makiluksa at makiprotesta sa pagpanaw ng lider-obrerong tumulong sa kanilang mga pakikibaka para sa sahod at trabaho.(Ilang-Ilang Quijano)

Naglakbay pa mula Timog Katagalugan ang mga manggagawang ito para
makiluksa at makiprotesta sa pagpanaw ng lider-obrerong tumulong sa
kanilang mga pakikibaka para sa sahod at trabaho. Dumalo rin ang mga
manggagawa mula sa mga rehiyon ng Kordilyera, Gitnang Luzon, at Bikol.
(Ilang-Ilang Quijano)

Isinauli sa Malakanyang

Itinapon pabalik ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, ang mga bulaklak na ipinadala ni Pangulong Arroyo sa burol ni Beltran. (Ilang-Ilang Quijano)

Itinapon pabalik ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, ang mga bulaklak
na ipinadala ni Pangulong Arroyo sa burol ni Beltran. (Ilang-Ilang
Quijano)

Kahangalan

Ayon sa Anakpawis at KMU, isang kahangalan ang pakikiramay ng Pangulo kay Beltran na ipinaaresto niya noong 2006 at ipinakulong nang mahigit isang taon. (Ilang-Ilang Quijano)

Ayon sa Anakpawis at KMU, isang kahangalan ang pakikiramay ng Pangulo
kay Beltran na ipinaaresto niya noong 2006 at ipinakulong nang mahigit
isang taon. (Ilang-Ilang Quijano)

Mga kaibigan at katrabaho

Ibinuhat ang mga labi ni Beltran papasok ng Kamara nina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Teddy Casino, Gabriela Rep. Liza Maza, at iba pang mga kaibigan at katrabaho. (Ilang-Ilang Quijano)

Ibinuhat ang mga labi ni Beltran papasok ng Kamara nina Bayan Muna Rep.
Satur Ocampo at Teddy Casino, Gabriela Rep. Liza Maza, at iba pang mga
kaibigan at katrabaho. (Ilang-Ilang Quijano)

Panalangin para kay Ka Bel

Pinangunahan ni Fr. Joe Dizon ang necrological mass para kay Beltran. (Ilang-Ilang Quijano)

Pinangunahan ni Fr. Joe Dizon ang necrological mass para kay Beltran. (Ilang-Ilang Quijano)

Ka Bel sa Kamara

Mahigit kumulang 80 kongresista at mahigit 1,000 tagasuporta ni Beltran ang dumalo sa misa at seremonya sa loob ng session hall ng Kamara. (Ilang-Ilang Quijano)

Mahigit kumulang 80 kongresista at mahigit 1,000 tagasuporta ni Beltran
ang dumalo sa misa at seremonya sa loob ng session hall ng Kamara.
(Ilang-Ilang Quijano)