News Update
Archive - larawan_linggo
Nasaan ang ginto?
Sa kabila ng panganib ng mercury, panay ang paghahanap ng ginto ang mga manggagawa sa isang gold milling plant sa Barangay Ngan, Compostela Valley. Kabilang ang maliliit na mga
minero sa nagpoprotesta laban sa mga kompanyang multinasyonal na
matinding nagmimina sa lugar.(Kuha ni Jonald Mahina / Davaotoday.com)
Para abutang masarap, kainin agad!
Mabilisang ibinebenta ng mga manininda sa palengke sa Iligan City ang prutas na marang. Masarap at kakaiba ang prutas na ito, pero mabilis na mawala ang lasa. Isang araw matapos mahinog, wala na ang tamis. (KR Guda)
Kabuhayan sa Undas
Ginawang sapin ang mukha
Hati-hati sa pagkain ang mga demonstrador sa pagitan ng protesta sa World Foodless Day. Walang silbi ang imahen ng pangulo para sa kanila - maliban na lamang sa pagiging sapin nito sa sementong hapag-kainan. (Kuha ni Pons Caudilla sa Naga City)
Bantay-sarado
MALAYANG nakakapaglaro ang mga bata sa Freedom Park sa Malacañang. Pero ang matatanda, bawal magprotesta. (Kuha ni Karl Castro sa Malacañan Complex, Manila)
Tongpats sa kalye
‘TONGPATS’ SA KALYE. Mistulang hinihingan ang dalawang vendor na ito ng pulis ng pang-areglo para hindi na sila masita at hulihin sa ilegal daw na pagbebenta sa Session
Road. Kumaripas ng takbo ang sasakyan ng pulis nang makitang nililitratuhan siya ng photograpong ito. (Kuha ni Ariston Valle sa Baguio City)
Tapos na ang Ramadan
KATAPUSAN na rin ba ng pansamantalang kapayapaang hatid ng Ramadan? Pangamba ng Kawagib Moro Human Rights Group, dadami ang mga sibilyang apektado ng opensibo ng gobyerno sa mga rebeldeng Moro. Sa giyera sa Mindanao, nakapagtala ang grupo ng mahigit 14 tipo ng paglabag sa karapatang pantao na umapekto sa mahigit 200,000 katao. (Contributed Photo)
Digos
"Digos" ay Ilokanong salita sa pagligo. Isang bata ang naliligo sa pipeline sa irigasyon malapit sa isang palayan sa Urdaneta, Pangasinan. (Kuha ni Jake "Silbato" Salvador)
Adik, pero bata pa rin
Tuloy sa hanapbuhay
Sa gitna ng Ramadan, tuloy sa paghahanapbuhay ang Muslim converts sa Baguio City. Maraming Igorot ang yumayakap sa relihiyong Muslim. May tinatayang 8,000 Muslim sa siyudad. (Ariston Valle)










RSS