News Update
Archive - Jan 2008 - larawan_linggo
Kamusmusan
Di alintana ng batang ito na minsan ay may mga panganib na sumasapit sa terminal ng bus na ito--na madalas na target ng pagpapasabog.
(Kuha ni Keith Bacongco sa Koronadal City, Mindanaw)
Tanda ng desperasyon?
Milagro raw ang lubid ng Nazareno. Pero nakalulungkot isiping pilit na kumakapit tayo sa lubid na siya ring maaaring magbigti sa atin.
(Kuha ni Boy Bagwis sa Quiapo, Maynila)
Tahanan sa kalsada
Mumunting kariton ang tahanan nila, bitbit ang kakarampot na kagamitan saanman sila mapadpad -- ito ang buhay ng
dumaraming bilang ng Pinoy na walang bahay, naninirahan sa kalsada. (Kuha ni Boy Bagwis sa Lungsod Quezon)
dumaraming bilang ng Pinoy na walang bahay, naninirahan sa kalsada. (Kuha ni Boy Bagwis sa Lungsod Quezon)
Minsan lang siya bata
MINSAN LANG SIYA BATA.
Kasama sa pagsasaka maging ang mga paslit. Maagang natatapos ang
pagkabata ng mga tulad niyang kailangan nang makipagsapalaran sa
palayan./ Kuha ni Ariston Valle sa Lallo, Cagayan




RSS