News Update
Archive - Apr 2008 - larawan_linggo
Pulubi dumarami
Napglipana at pangkaraniwan nang nakikita ang matatandang pulubi mula sa grupong Igorot na namamalimos. Dulot ba ito ng malalang krisis at kakulangan sa serbisyo ng gobyerno? (Kuha ni Ariston Valle sa Session Road, Baguio City)
Kalkal basura
Musmus pa lang nagbabatak na ng buto para kumita sa maliit na halaga upang may pantawid gutom. Nasaan na ang pangako ng pamahalaan para sa kabataan? (Kuha ni Gladyline Alvero sa Tondo, Maynila)
Sigla sa saka
Kung tatangkilikin lang ang kanilang mga produkto ng mga Pilipino at susuportahan ng gobyerno ang kanilang produksiyon, bubuti sana ang industriya ng bigas sa bansa. (Kuha ng Bicol Express sa rehiyong Bikol)
Pera sa sirang makina
Basura man sa iba, matiyaga pa ring kinakalas ang mga bahagi ng sirang makina ng mga magbabakal. Pera rin ito para panggastos ng kanilang mga pamilya. (Kuha ni Keith Bacongco sa Matina Aplaya, Davao City)
Trabaho ni Gloria, basura?
Nangako ang Malakanyang ng trabaho sa mga mangangalakay sa tambakan ng basura. Pero paanong pagkakatiwalaan ang pangakong ito gayong sangkot sa samu't saring anomalya ang Pangulo? (Kuha ni Gladyline Alvero sa Tondo, Maynila)




_web.jpg)
RSS