News Update
Archive - Jul 2008 - larawan_linggo
Happyland?
HINDI masayang ikabuhay ang pangangalahig sa imbakan ng basura sa Tondo, pero tila walang ibang pagpipilian ang batang ito na nakatira sa lugar na tinatawag nilang Happyland. (Bam-Bam Luneta)
Negosyo sa tag-ulan
Abala si Mang Ramon sa pagkukumpuni ng sirang mga payong ngayong panahon ng tag-ulan. Sa mga nagtitipid, malaking tulong si Mang Ramon. Imbes na bumili ng bagong payong, paayusin na lamang. (Kuha ni Ariston Valle sa Baguio City)
Bisikleta sa tag-ulan
Mahirap magbisikleta sa tag-ulan. Pero walang choice, dahil tumataas ang presyo ng gasolina. Bisikleta lang ang opsiyon sa maraming maralita. (Kuha ni Keith Bacongco sa Davao City)



RSS