News Update
Archive - 2007 - opinion
- Date
- Type
Pulitika ng pagbibigay ng regalo
Noong bata pa ako, parati kong hinihintay ang buwan ng Disyembre.
Ito ay hindi lang dahil sa mahabang bakasyon. Gusto ko ring makatanggap ng regalo mula sa mga kamag-anak at kaibigan. Tuwang-tuwa ako noon tuwing may bago akong laruan, hindi na bale kung mumurahin lang ito.
Paglaya ni Jalosjos, pagyurak sa laban ng kababaihan laban sa karahasan sa kababaihan
Naku mga mare, muli na namang napatunayang walang maaasahan tayong mga kababaihan sa babae nating presidente. Noong Sabado, pumutok ang balitang palalayain na si Jalosjos, ang kongresistang napatawan ng dalawang habambuhay na sentensiyang pagkabilanggo dahil sa pag-rape ng 11 taong gulang na batang babae. Ito ay katumbas ng 80 taong pagkabilanggo.
Perspektiba
SA PAANO man tingnan, ang mga aksiyong protesta noong Nobyembre 29 at 30 ay palatandaan na hindi pa resolbado ang matinding pampulitikang krisis ng rehimeng Arroyo simula nang malantad ang usapang “Hello Garci”. Marami ang hindi sang-ayon sa taktika ng pagkukuta sa isang otel na five-star at panghihikayat ng people power mula doon.
RA 9481: Malaking tulong sa pag-uunyon ng mga manggagawa
HINDI MAITATWA na sa pagtatayo ng isang tunay at militanteng unyon sa kompanya, ang manedsment ang isa sa mahigpit na tumututol. Hindi pa umiinit ang petisyon para sa certification election na isinampa ng mga manggagawa, nandiyan na ang motion to dismiss o di kaya’y pagtutol ng manedsment.
Kakaibang pag-alala kay Monico Atienza (1947-2007)
HINDI PO ito paghingi ng paumanhin kundi isang pagsasakonteksto ng nararamdaman.
Si Marilou at ang buladas ni GMA
MGA MARE, narinig ba ninyo ang pagyayabang noong isang araw ni Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbaba ng sentensiya ng OFW na si Marilou Ranario? Siya raw ang nakipag-usap sa Emir ng Kuwait, isang pagpapatunay ng patakaran ng gobyerno kaugnay ng karapatan ng mga mamamayang Pilipino sa loob at labas ng bansa. Ang kapal, ‘di ba, mga mare! Sino ba ang niloloko ni GMA?
Sino Ang Uutuin Pa?
KAHIT personal na napakiusapan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo si Sheik Sabah Al Ahmed Al Sabah – Emir ng Kuwait – na huwag ituloy ang nakatakdang pagbitay kay Marilou Ranario – hindi naman dapat mamayagpag si La Gloria at ang kanyang mga basalyos kung ibinaba man ng Emir sa habang-buhay na pagkabilanggo ang hatol kay Marilou. Nailigtas man siya sa kamatayan, pagdurusa pa rin
Korupsiyon: palatandaan ng rehimeng Arroyo
Sa kurso na Apsu (Advanced Public Sector Unionism) na ibinibigay na pag-aaral ng Courage, ang isa sa tatlong saligang suliranin ng ating bayan ay ang burukrata-kapitalismo. Ang kahulugan nito ay ang “pagpapatakbo sa gobyerno na parang negosyo at para sa pagpapayaman ng mga nakaupo sa kapangyarihan”.
Manila Pen at ang polemiko ng adbenturismo
Madaling sabihing“adbenturismo” lamang nina Sen. Antonio Trillanes IV, Brig. Gen. Danilo Lim at ng mga tagasuporta nila ang nangyaring tensiyon sa The Peninsula Manila (o Manila Pen) noong Nobyembre 29. Ano nga ba naman ang inaasahan nilang mangyari sa puwersahang pag-okupa ng isa sa mga pinakasikat na hotel sa Pilipinas?
RSS