News Update

Archive - 2008 - photo_essay

Silang sadyang iniipit sa digmaan

Palaging nangangamba ang mga sibilyan sa kanilang mga kaligtasan dahil sa matinding operasyong militar kontra sa Moro Islamic Liberation Front sa probinsiya ng Lanao del Norte. (KR Guda)

Lupaing ipinaglalaban

Tanaw sa isang bahagi ng Marawi City, Lanao del Sur ang Lake Lanao, isa sa mga sakop sana ng naunsiyaming Memorandum of Agreement on Ancestral Domain sa pagitan ng gobyernong Arroyo at Moro Islamic Liberation Front. (KR Guda)

Naiwan

Nasaksihan daw ng babaing ito ang pag-atake ng armadong kalalakihang pinaghihinalaan niyang Moro Islamic Liberation Front sa Kolambugan, Lanao del Norte noong Agosto 8, 2008. Pinatay ang asawa niyang Cafgu. Kasama niyang bakwit ang  mga anak. (KR Guda)

Lista

Sa evacuation center ng mga Kristiyano sa Kolambugan, Lanao del Norte, ipinaskil sa pintuan ng bawat kuwarto ang mga sibilyang bakwit doon. (KR Guda)

Sugat

Ayon sa lalaking Krisitiyanong ito mula sa Kolambugan, Lanao del Norte, binaril siya sa braso ng isang armadong lalaking pinaghihinalaan niyang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front. (KR Guda)

Palayo sa gulo

Nagsipagtakbuhan ang mga sibilyang ito palayo sa lugar kung saan nag-ooperasyon ang mga militar. Bakas sa mukha ng mga matatanda ang takot. Pero ang mga bata, nakangiti na parang laro lang ang lahat. (KR Guda)

Sa dulo ng baril

Palaging binabantayan ng mga sundalo at paramilitar ang mga sibilyan sa evacuation center sa Munai, lalo tuwing may dayong namimigay ng relief. (KR Guda)

Silip sa loob

Sumisilip sa moske sa Munai, Lanao del Norte ang isang nananampalatayang Moro. (KR Guda)

Bulnerable

Sa likod ng trapal na ito ang bahay ng babaing ito, kasama ang kanyang mga anak at apo, sa evacuation center sa Munai, Lanao del Norte. (KR Guda)

Taimtim na panalangin

Sa gitna ng kaguluhan, binibigyan pa rin ng mga Maranao sa Lanao del Norte ng panahon ang pananalangin kay Allah. (KR Guda)