News Update

Archive - Jan 2008 - photo_essay

Date
  • All
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
  • 31
Type

Lakbayan: Protesta sa ika-21 anibersaryo ng Mendiola Massacre

Mula Enero 16 hanggang Enero 22, libu-libong mga magsasaka mula sa Timog Katagalugan, Bikol, Gitnang Luzon, Cagayan Valley, at Hilagang Luzon ang nagmartsa papuntang Maynila para ipaglaban ang tunay na repormang agraryo at hustisya sosyal (John Clemente)

Mula Enero 16 hanggang Enero 22, libu-libong mga magsasaka mula sa Timog Katagalugan, Bikol, Gitnang Luzon, Cagayan Valley, at Hilagang Luzon ang nagmartsa papuntang Maynila para ipaglaban ang tunay na repormang agraryo at hustisya sosyal na hanggang ngayo'y ipinagkakait pa rin sa mayorya ng mga nasa kanayunan. Ito ay paggunita sa ika-21 anibersaryo ng Mendiola Massacre.

Karit kontra karahasan

Nakasulat sa mga plakard na hugis-karit ang panawagan ng na itigil ang ekstrahudisyal na pagpaslang ng mga diumano'y ahente ng estado sa mga magsasaka (Boy Bagwis)

Nakasulat sa mga plakard na hugis-karit ang panawagan ng na itigil ang ekstrahudisyal na pagpaslang ng mga diumano'y ahente ng estado sa mga magsasaka, pinakahuli si Teldo Rebamonte ng Masbate People's Organization, na di nakasama sa Lakbayan dahil pinatay noong Enero 16.

(Boy Bagwis)

Gloria "kontra-magsasaka"

Tinutuligsa ng mga magsasaka ang umano'y "kontra-magsasaka" na rehimeng Arroyo (Boy Bagwis)

Tinutuligsa ng mga magsasaka ang umano'y mga "kontra-magsasaka" na rehimeng Arroyo na nagpapanatili ng monopolyo sa lupa ng malalaking asensdero at kompanya, nagpapatupad ng mga polisiyang liberalisasyon na pahirap sa kanilang kabuhayan, at pagpatay sa mga ordinaryong magsasaka sa ilalim ng Oplan Bantay Laya.

(Boy Bagwis)

Mendiola!

"Mendiola!" ang sigaw ng kabataang ito, isa sa mga sumama sa kilos-protesta bilang suporta sa panawagan ng mga magsasaka (Boy Bagwis)

"Mendiola!" ang sigaw ng kabataang ito, isa sa mga sumama sa kilos-protesta bilang suporta sa panawagan ng mga magsasaka.

(Boy Bagwis)

Laging handa

Handa ang kabataang ito sa tear gas na maaaring pakawalan ng mga pulis na ipinaligid sa Malakanyang dahil sa umano'y destabilization plot sa araw na iyon (Boy Bagwis)

Handa ang kabataang ito sa tear gas na maaaring pakawalan ng daan-daang mga pulis na ipinaligid sa Malakanyang dahil sa umano'y destabilization plot sa araw na iyon.

(Boy Bagwis)

Martsa

Tinatayang 6,000 mga magsasaka at iba pang mga mamamayan ang sama-samang nagmartsa patungong Mendiola (Boy Bagwis)

Tinatayang 6,000 mga magsasaka at iba pang mga mamamayan ang sama-samang nagmartsa patungong Mendiola.

(Boy Bagwis)

Harang

Daan-daang pulis ang humarang sa mga raliyista sa kanto ng Morayta at C.M. Recto (Arwin Doloricon)

Daan-daang pulis na anti-riot ang humarang sa mga raliyista sa kanto ng Morayta at C.M. Recto.

(Arwin Doloricon)

 

Tuloy pa rin

Bagaman hindi nakaabot ng Mendiola, itinuloy ng mga magsasaka ang maghapong programa nang mataas ang diwang palaban (Boy Bagwis)

Bagaman hindi nakaabot ng Mendiola, itinuloy ng mga magsasaka ang maghapong programa nang mataas ang diwang palaban

(Boy Bagwis)