News Update
Archive - Apr 2008 - photo_essay
Pagkain sa halagang P50
Ano na nga lang ba ang mabibili ng P50 sa panahong ito? Sumama ang Pinoy Weekly sa pamamalengke ni Nanay Jenny, residente ng Payatas at mangangalahig sa tambakan ng basura, para malaman ang sagot.
2- Pagkain sa halagang P50
Dahil sa haba ng pila, may panahon siya para pag-isipan kung paano ibabadyet ang pera. Halos isang beses sa isang linggo lang daw magbenta ang NFA sa lugar. Marami pa ang dumadayo para bumili. Hanggang dalawang kilo lang ang puwede bilhin ng
3- Pagkain sa halagang P50
Isang kilo lang ang nabili ni Nanay Jenny.
Suwerte pa nga raw siya dahil P18.25 lang ang persyo kada kilo sa pilang iyon,
habang P19 ang benta sa kabilang pila ng NFA, ilang metro lang ang layo roon. (John Clemente)
4- Pagkain sa halagang P50
Alamang ang pinakamurang maaari niyang bilhin sa
natitirang pera. Limang piso lamang ito, at pagkatapos magisa, puwede nang
iulam. (John Clemente)
6- Pagkain sa halagang P50
Nakakita si Nanay Jenny ng tindahang nagbebenta
ng tatlo sa sampung pisong itlog. Pero maliliit ang mga itlog. (John Clemente)
7- Pagkain sa halagang P50
Matapos mamili – ng bigas, alamang, mantika, itlog, pati vetsin sa halagang piso – binilang niya ang P4.75 na natira mula sa P50. (John Clemente)
8- Pagkain sa halagang P50
Umuwi siya sa bahay para ihandang lutuin ang mga
nabili para sa hapunan ng pamilya sa gabing iyon. (John Clemente)
Gutom na ang masa
Noong Abril 12, libu-libo ang nagkilos-protesta laban sa pagtaas ng presyo ng batayang mga bilihin. Mensahe ng martsa na nagsimula sa University of Sto. Tomas: hungkag na sikmura, panahon na mag-alsa! (Yani Lasam)
Pinggan
Hindi importasyon ng bigas, kundi pagpapaunlad ng sariling produksiyon, ang umano'y magsisigurong may laman ang pinggan ng bawat Pilipino. (Yani Lasam)










RSS