News Update
Archive - Jun 2008 - photo_essay
Martsa-libing ni Crispin "Ka Bel" Beltran
Mula katedral ng Iglesia Filipino Indipendiente sa Taft Ave. kung saan
ibinurol si Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran, nagmartsa ang
progresibong mga grupo, sa pangunguna ng KMU (Kilusang Mayo Uno),
patungong Mendiola, sa unang bahagi ng libing-martsa noong Mayo 28.
(Ilang-Ilang Quijano)
Bulaklak
Nagpadala ng mga bulaklak ang rebolusyonaryong mga grupo bilang pagpupugay kay Beltran, 75, na namatay sa
aksidenteng pagkakahulog sa bubungan ng kanyang tahanan noong Mayo 20.
(Danny Pata)
Di-malilimot na salita
Nakaimprenta sa t-shirt ng manggagawang ito ag makasaysayang mga
salitang binitiwan ni Beltran noong nililitis siya para sa paglaban sa
diktadurang Marcos. (Ilang-Ilang Quijano)
Kahalagahan ni Ka Bel sa maralita
Binabasa ng mag-inang ito ang isang polyetong nagpapaliwanang ng
kahulugan ng buhay ni Beltran, na ipinamahagi ng mga raliyista sa
dinaraanang maralitang mga komunidad. (Ilang-Ilang Quijano)
Mula sa mga rehiyon
Naglakbay pa mula Timog Katagalugan ang mga manggagawang ito para
makiluksa at makiprotesta sa pagpanaw ng lider-obrerong tumulong sa
kanilang mga pakikibaka para sa sahod at trabaho. Dumalo rin ang mga
manggagawa mula sa mga rehiyon ng Kordilyera, Gitnang Luzon, at Bikol.
(Ilang-Ilang Quijano)
Isinauli sa Malakanyang
Itinapon pabalik ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, ang mga bulaklak
na ipinadala ni Pangulong Arroyo sa burol ni Beltran. (Ilang-Ilang
Quijano)
Kahangalan
Ayon sa Anakpawis at KMU, isang kahangalan ang pakikiramay ng Pangulo
kay Beltran na ipinaaresto niya noong 2006 at ipinakulong nang mahigit
isang taon. (Ilang-Ilang Quijano)
Mga kaibigan at katrabaho
Ibinuhat ang mga labi ni Beltran papasok ng Kamara nina Bayan Muna Rep.
Satur Ocampo at Teddy Casino, Gabriela Rep. Liza Maza, at iba pang mga
kaibigan at katrabaho. (Ilang-Ilang Quijano)
Ka Bel sa Kamara
Mahigit kumulang 80 kongresista at mahigit 1,000 tagasuporta ni Beltran
ang dumalo sa misa at seremonya sa loob ng session hall ng Kamara.
(Ilang-Ilang Quijano)










RSS