News Update
Archive - Jul 2008 - photo_essay
Sona ng Mamamayan
Mahigit-kumulang 20,000 demonstrador ang nagmartsa sa Commonwealth Ave. noong umaga ng Hulyo 28. Nagtipun-tipon sila para sa People’s Sona (State of the Nation Address), tugon sa Sona ni Pangulong Arroyo. (BamBam Luneta)
Sampal sa mukha
Maging ang imahe ni Arroyo sa footbridge ng MMDA, di pinalampas ng nagngangalit na mga mamamayan. (Ilang-Ilang Quijano)
Ibang GMA
Hindi TV network na GMA, kundi si Gloria Macapagal-Arroyo, ang tinutukoy ng estudyanteng ito. (Ilang-Ilang Quijano)
Walkout
Pinili ng militanteng mga kongresista na sina (mula kaliwa) Rep. Liza Maza at Luzviminda Ilagan ng Gabriela Women’s Party, at Rep. Teddy Casiño at Satur Ocampo ng Bayan Muna na huwag dumalo sa Sona ni Arroyo. (KR Guda)
Nararamdaman ng masa
Pinasubalian ng nanay na ito ang islogan ng gobyerno na Ramdam ang Kaunlaran-wala umano siyang nararamdaman kundi kalam ng sikmura. (KR Guda)
Kambal na tugon
Para sa totoong rice self-sufficiency, dapat umanong ibaba ng gobyerno ang presyo ng bigas at itigil ang pagpapalit-tanim. (Boy Bagwis)
OFW at OPH
Matindi ang epekto maging sa kamag-anak ng mga migranteng Pilipino ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. (Boy Bagwis)
Bawal magsinungaling
Tila nagbababala ang mga batang ito sa Pangulo, bawal bilugin ang kanilang mga ulo. (Ilang-Ilang Quijano)
Hayop na VAT
Tampok na panawagan ng mga demonstrador ang pagtanggal sa 12% VAT (Value-Added Tax). (Ilang-Ilang Quijano)










RSS