News Update
Archive - Jul 13, 2008 - photo_essay
National Youth Action Day kontra-Arroyo
Noong Hulyo 10, pinangunahan ng alyansang Youth Act Now! (Youth for Truth and Accountability Now) ang walkout ng mga estudyante mula sa iba't ibang unibersidad sa Metro Manila para idaing ang krisis pang-ekonomiya sa bansa na dulot umano ng mga polisiya ng gobyernong Arroyo. (Kenneth Guda)
Kung hindi ngayon, kailan?
Ipinaliwanag ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng League of Filipino Students, sa mga estudyante ng University of the Philippines Diliman ang kahalagahan ng pagkilos ng mga kabataan sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomiya. (Ilang-Ilang Quijano)
Kapangyarihan ng pirma
Dinagsa ng mga estudyante sa Adamson University ang petisyon para tanggalin ang VAT (Value-Added Tax) sa mga produktong petrolyo. (Ilang-Ilang Quijano)
Tara, mga klasmeyt
Isang araw ng pag-aaral ang isinakripisyo ng mga estudyanteng ito ng Adamson University para makisangkot sa mga isyung pambansa na nakakaapekto sa kanila. (Ilang-Ilang Quijano)
Ayon sa Iskolar ng Bayan
Paglingkuran ang sambayanan, sigaw ng mga estudyante nang mag-walkout sa UP Manila. (Ilang-Ilang Quijano)
Para manatili sa bansa?
Ang estudyante ng nursing na ito, pinababasura ang Oil Deregulation Law para mapababa ang presyo ng langis. (Ilang-Ilang Quijano)
Ayaw sa VAT
Pasanin ng mga kabataan ang VAT kaya nananawagan silang alisin ang buwis na ito. Mula sa University of Sto. Tomas, nagmartsa ang mahigit 1,000 estudyante patungong Mendiola. (Kenneth Guda)










RSS