News Update
Archive - Jan 2008 - story
Energy Summit, magastos na palabas
MAGASTOS na palabas lamang na pang-akit ng dayuhang mamumuhunan ang Energy Summit na inorganisa ng DOE (Department of Energy), habang binabalewala naman ang suliranin ng taumbayan sa mataas na presyo ng langis, ayon sa Bayan (Bagong Alyansang Makabayan).
Lider-magsasaka inaresto sa Negros
MARIING kinondena ng KMP (Kilusang Magbu-bukid ng Pilipinas) ang pag-aresto sa isa sa kanilang mga pambansang lider noong Enero 28.
Dinakip ng mga pulis bandang alas-singko ng hapon noong Lunes sa Brgy. Calumangan, Bago City, Negros Occidental, si Randall Echanis, 60.
Pagsasaling-lahi ng diwa ng Sigwa
NAKAILANG ulit nang lumapit ang mga pulis-Maynila sa isang tumpok ng may edad na kalalakihan sa Morayta, sa bukana ng Far Eastern University. Magalang silang nagtanong. Ano’ng meron. Ano’ng okasyon. Bakit may rali. Ano ang mga kahilingan.
Oposisyon sa Kamara, di sangkot sa pagpapatalsik kay JDV
“HINDI kami kasali diyan.”
Itinanggi ni Rep. Ronaldo Zamora, lider-miyorya sa Kamara, na sangkot ang oposisyon sa planong pagpapaalis sa puwesto kay Espiker Jose de Venecia.
Sinabi ni Zamora na walang lumapit sa kanila mula sa mga kalaban ni De Venecia para kunin ang boto nila.
Bagong UP Charter, aprubado na
TINAGURIANG tagumpay ng komu-nidad ng UP (Unibersidad ng
Pilipinas) ang probisyon sa bagong UP Charter na nagbabawal sa pagbebenta ng
lupain ng unibersidad sa pribadong sektor.
Opisyal ng gobyerno inihabla dahil sa panunupil sa midya
Ito ang sigaw ng mga mamamahayag na nagkaisang labanan ang ibayong panunupil ng gobyerno sa kalayaan sa pamamahayag.
Naglabas ng 72-oras na TRO (Temporary Restraining Order) ang Makati RTC (Regional Trial Court) pabor sa mga mamamahayag na nagsampa ng class suit noong Enero 28 laban sa mga opisyal ng gobyerno.
Magsasaka ng Timog Katagalugan nagkampo sa labas ng Kamara
NAGKAMPO sa harap ng Kamara ng mga magsasaka at mga katutubong sapilitang lumikas sa Quezon para irehistro ang pagtutol nila pandarahas ng mga militar sa kanilang mga bayan.
Away ng mga dambuhala
HALOS oras-oras ang paghingi nila ng pang-unawa buhat sa kanilang mga manonood. Ang sabi ng GMA-7, kailangan nilang idemanda ang kalabang estasyon (ABS-CBN) dahil sa paninira sa kredibilidad ng mga "kapuso." Tugon naman ng ABS-CBN, dapat mabatid ng mga manonood ang katotohanan hinggil sa pandaraya diumano sa rating ng kabilang estasyon.
Tala Kaalaman: Digmaang Moro-Kastila
Alam n’yo ba na hinati ni Cesar Majul ang Digmaang Moro-Kastila sa anim na yugto at ayon sa kanya ay tumagal ito ng 320 taon?
Labanan ang balakubak
SABI nga sa isang patalastas, mahigit kalahati ng bilang ng mga Pinoy ay nakaranas ng balakubak sa tanang buhay nila. Malaganap na problema ito, at maraming iniaalok na solusyon ang iba’t ibang komersiyal na produkto.
RSS