News Update

Archive - May 7, 2008 - story

Date
  • All
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
  • 31
Type

Tala Kaalaman

Boy Bagwis

Kababaihan makabuluhan ang papel sa produksyon

Alam n’yo ba na makabuluhan ang papel ng kababaihan sa produksiyon sa ilalim ng tradisyonal na konsepto sa mga kababaihan? Wala itong iniwan sa papel ng kababaihang Pilipina sa prekolonyal na panahon ng panlipunang pag-unlad.

Hamon kay Arroyo,VAT sa kuryente alisin; P206 kada buwan matitipid sa pag-alis ng buwis

in

Ilang-Ilang Quijano

HINAMON ng mga grupong pangkonsiyumer si Pangulong Arroyo na alisin ang VAT (value-added tax) sa kuryente kung seryoso ito sa pagpapababa ng tumataas na singil sa kuryente.

Kapag inalis ang VAT, makatitipid ng P206 kada buwan ang mga pamilyang kumokonsumo ng 200kWh (kilowatt hour) na may katumbas na P2,000 singil.

Ambus ng NPA sa North Cotabato: 3 sundalo napatay, 21 sugatan

in

Soliman A. Santos

TATLONG sundalo ang namatay habang 21 ang sugatan matapos tambangan ng NPA (New People’s Army) ang convoy ng militar sa hangganan mga bayan ng President Roxas at Arakan sa North Cotabato noong Mayo 5.

Ayon kay Maj. Lyndon Paniza, kumander ng 39th Infantry Battalion, nangyari ang pananambang bandang alas-singko ng umaga sa Bryg. Ilustre, President Roxas.

Ka Dan Vizmanos, pinarangalan ng Bayan

in

Ann Michelle V. Mailed

GINAWARAN ng parangal ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) si Danilo Vizmanos, retiradong navy captain, sa malalaking ambag niya sa progresibong kilusan.

Dinaluhan ng kanyang mga kapamilya at iba pang tagasuporta ni Vizmanos ang parangal noong Mayo 5 sa Mini Theater ng Pamantasan ng Makati.

100 magsasaka nagprotesta sa DA

in

Soliman A. Santos, Ilang-Ilang Quijano

TINATAYANG 100 magsasaka ang nagprotesta sa harap ng tanggapan ng DA (Department of Agriculture) noong Mayo 6 laban sa umano’y bangkaroteng polisiya ng gobyerno sa bigas.

Desisyon sa taas-sahod, Mayo 15 pa

in

Noel Sales Barcelona

MALALAMAN ng mga obrero kung magkano ang madaragdag sa kanilang mga sahod sa Mayo 15.

Sa lingguhang pulong balitaan sa Sulô Hotel kamakailan, sinabi ni Ciriaco Lagunza III, punong ehekutibo ng National Wages and Productivity Commission, na sa Mayo 14 ang pormal na pagdinig sa mga petisyon para sa taas-sahod. Maaari umanong mailabas ang desisyon sa susunod na araw.

GMA takot masilip ang panunuhol ng Hanjin?

in

Ilang-Ilang Quijano

TAKOT ang Malakanyang sa imbestigasyon sa diumano’y panunuhol ng Hanjin Heavy Industries Inc., ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

Lupa sa Calatagan, ipamahagi – KMP

in

Soliman A. Santos

NAGPROTESTA sa harap ng DENR (Department of Natural Resources) noong Mayo 3, ang KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) at UMA (Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura) kasama ng mga organisasyon ng manggagawang-bukid sa Batangas dahil sa hindi pagpapatupad ng 20 taong gulang na desisyon ng Korte Suprema, na nag-uutos sa DENR na ipamahagi ang 2,000 ektrayang lupain ni Jaime Zobel de Ayala sa mga mag

Pagpatay sa dating hepe ng pulis sa Legazpi, inako ng NPA

in

Noel Sales Barcelona

INAKO ng NPA (New People’s Army) ang pagpatay kay dating P/Supt. Narciso Guarin, dating hepe ng pulisya ng Legazpi bilang parusa para sa kanyang diumano’y mga kasalanan laban sa sambayanan.

Ayon kay Greg Bañares, tagapagsalita ng NPA-Bicol, maraming kasalanan si Guarin, hindi lamang sa mga mamamayan ng Bicol, kundi maging sa rebolusyonaryong kilusan.

Pagmimina, tinutulan ng katutubo

in

Nordis

Lungsod Baguio - Tinutulan ng mga katutubong naninirahan sa Brgy. Lamag, Quirino, Ilocos Sur, ang planong pagmimina sa kanilang lugar at iginiit ang kanilang tradisyunal na pagmamantina at paggamit ng mga likas-yaman.