News Update
Archive - Jun 2008 - top_story
Trahedya sa likod ng trahedya
Ilang-Ilang D. Quijano
AKALA ng mga kaanak ng mga pasahero ng lumubog na barkong MV Princess of the Stars, hindi na mahihigitan pa ang pighati ng ilang araw na paghihintay ng balita hinggil sa kanilang mga mahal sa buhay, na karamiha’y natatagpuan na bangkay sa dagat o sa mga dalampasigan habang lumilipas ang mga araw.
Tamang hirit sa taggipit
Ilang-Ilang D. Quijano
NANGANGATOG ang tuhod ng mga taga-Malakanyang sa pagharap sa kasalukuyang krisis. Pero hindi dahil nalipasan sila ng gutom – sa huling balita natin, tuluy-tuloy pa rin naman ang catering sa Palasyo. Nangangatog ang tuhod ng mga tambolero ni Pang. Arroyo dahil sa takot. Iba’t ibang pandaigdigang ahensiya na ang
Modus operandi sa matrikula
Noel Sales Barcelona
PASASALAMAT sana si Auline “Au” Hipolito, 19-na-taong-gulang na anak ng mga manggagawa, na di na siya kailangang lumayo para magkolehiyo. Madaling lakarin sa araw-araw ang CMU o City of Malabon University, pamantasang matatagpuan sa pinakapusod ng maralitang komunidad sa Dagat-dagatan, at dating reklamasyong ipinagawa ni dating gobernador Imelda Romualdez Marcos.
Programa sa lupa, nauwi sa wala
Soliman A. Santos
PANAKa-NAKA ang pag-ulan at pag-init, pero balewala ito sa kanila. Malayo ang nilakbay ng mga magsasakang ito – marami ang mula sa iba’t ibang bahagi ng Timog Katagalugan – kung kaya di sila pahahadlang sa pagdadalawang-isip ng panahon. Nagluluto, kumakain at nagpoprotesta sila sa bungad ng DAR (Department of Agrarian Reform).
Harangin ang pangungulimVAT
Kenneth Roland A. Guda
Tanghali noong Mayo 20. Sa emergency room ng ospital ng Far Eastern University kung saan kadedeklara pa lamang ang pagkamatay ni Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran, nag-usap-usap ang militanteng mga kongresista.
Ang maningning at makabuluhang buhay ni Crispin Beltran
Kenneth Roland A. Guda
Batang kuryer para sa Hukbalahap. Manggagawa at drayber ng taksi. Unyonista. Lider ng Kilusang Mayo Uno. Detinidong pulitikal. Gerilya. Pandaigdigang lider na anti-imperyalista. Kongresista. Simbolo ng kilusang manggagawa at militanteng oposisyon sa gobyernong Arroyo.





RSS