News Update

Archive - 2008 - week_photo

Ipiniit na mga aktibista

IKINAKAMPANYA ng iba't ibang grupo ang pagpapalaya kina Nestor San Jose, Crispin Zapanta, Rogelio Galit, Arnaldo Seminiano, at Emmanuel Dionida, mga lider-aktibista sa Southern Tagalog. (Kuha ni Jeffrey Ocampo sa Calapan City Jail)

Komemorasyon sa pambobomba sa Batasan

PINANGUNAHAN ng Gabriela Women's Paty-list ang isang-taong  komemorasyon ng pambobomba sa Batasan Complex noong Nob. 13, 2007, na ikinamatay nina Basilan Rep. Wahab Akbar; Marcial Taldo, drayber ni Gabriela Rep. Luz Ilagan; at tatlo pa. (Contributed Photo)

Hindi pinaniniwalaan

Kinastigo ni Sen. Mar Roxas si dating agriculture undersecretary Jocelyn "Joc-joc" Bolante sa pagtanggi ng huli na hindi sangkot si Pangulong Arroyo sa P728 Milyon fertilizer fund scam. (Kuha at pinagdikit na larawan ng tanggapan ni Sen. Roxas)

Kailan matatapos ang pagtangis?

Ipinagluluksa ng kanyang asawa at tatlo sa anim na mga anak ang pagkamatay ni Danny Qualbar, lider pesante sa Osmena, Compostela Valley at tagapag-ugnay ng Bayan Muna sa lugar. Pinaslang si Qualbar ng mga pinaghihinalaang ahente ng gobyerno noong Huwebes, Nob. 6. (Jonald Mahinay)

'Gawa-gawang' kaso vs. 72 aktibista

Si Joc-Joc Bolante, at hindi ang 72 lider-aktibista ng Timog Katagalugan, ang dapat kasuhan at ikulong, ayon sa mga nagprotesta sa harap ng Department of Justice noong Nob. 5 laban sa umano'y panibagong bugso ng pampulitikang panunupil. (King Catoy)

Sulo ng lumalabang migrante

Bitbit ng mga migranteng delegado ng International Assembly of Migrants and Refugees ang mga sulo na sumisimbolo sa paglaban nila sa lahat ng porma ng pagsasamantala sa kanilang hanay noong Oktubre 29 sa Mehan Garden, Manila. (Ilang-Ilang Quijano)

'Huwag n'yo kaming ikalakal'

Nagmartsa sa lansangan ng Hong Kong ang mga Asyanong migrante para tutulan ang Global Forum on Migration and Development na gaganapin sa Manila ngayong linggo. Anila, titindi ang pagkalakal at abuso sa kanila dahil sa GFMD. (Contributed Photo)

Abogado ng bayan, biktima ng gobyernong Arroyo?

NAGPIKET sa Welcome Rotonda ang Kilusang Mayo Uno at iba pang organisasyon para kondenahin ang pag-aresto sa labor lawyer na si Atty. Remigio Saladero. Bahagi umano ito ng panibagong atake ng gobyernong Arroyo laban sa mga kritiko. (Ilang-Ilang Quijano)

Kagutuman, mula bata hanggang matanda

BITBIT ng matandang babaing ito kapwa ang plakard na nananawagan ng repormang agraryo at pagpapatalsik kay Pang. Arroyo, at ang apo niya. Kasama sila sa mga nagprotesta sa Mendiola noong Oktubre 15 bilang paggunita sa World Foodless Day. (Arkibong Bayan)

Malungkot na muling pagtatagpo

Nagluksa ni Raymond Manalo, gitna, sa hukay na pinaglibingan diumano sa Limay, Bataan ni Manuel Merino na dinukot diumano ng Army. Nakaibigan ni Manalo si Merino habang nasa kamay ng Army, bago pinaslang ang huli ng mga sundalo noong Hunyo 2007.(Contributed Photo)