News Update

Archive - Feb 2008 - week_photo

Date
Type

Biktima

Walong tinedyer, kasama ang dalawang bata at dalawang tinedyer ang napatay noong Pebrero 4, 2008 sa pagsalakay ng mga militar kasama ang tatlong opisyal na sundalong Kano sa isang pinaghihinalaang kuta ng Abu Sayyaf sa Maimbung, Sulu.

(Contributed photo)

People Power mauulit?

NAKAANTABAY ang lahat kung mauulit ang People Power para patalsikin sa puwesto si Pangulong Arroyo na binabayo ng krisis bunsod ng eskandalong NBN-ZTE. Libu-libo ang dumagsa sa lansangan noong Pebrero 25, anibersaryo ng People Power I. Nagmartsa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola ang militanteng mga grupo.

(Kuha ni Boy Bagwis)

Lozada idolo ng kabataan

Taas kamao sa isang pagtitipon sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong Pebrero 22 si Rodolfo Lozada Jr., ang bagong tinitingala ng mga kabataang estudyante.

(Kuha ni Boy Bagwis)

Makakalikasan kontra Gloria

Nanawagan ang mga miyembro ng Enraged, (Environment and Natural Resource Advocates for GMA’s Expulsion) ng isang paglilinis sa gobyernong Aroyo. Hiniling nila ang pagbibitiw ni Kal. Lito Atienza ng DENR at pagbibitiw ni Pangulong Arroyo kaugnay ng eskandalong NBN-ZTE.

(Kuha ni Soliman Santos)

JDV III sa lansangan

Sa protesta sa Ayala na noong Pebrero 16 na dinaluhan ng mahigit 10,000 katao, nanawagan sa mga mamamayan si Jose de Venecia III, testigo sa anomalyang NBN-ZTE, na kumilos laban sa katiwalian sa gobyernong Arroyo.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Ayaw sa rosas

Nagprotesta sa Morayta Ave. noong Pebrero 14 ang mga kawani ng gobyerno na miyembro ng Courage o Confederation for the Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees at nanawagan ng pagtigil ng korupsiyon at rasyunalisasyon ng burukrasya. Dahil Araw ng mga Puso, binigyan sila ng mga rosas ng mga pulis na nagbabantay sa Mendiola.

Muli, Arroyo pinagbibitiw

Sumugod sa Senado noong Pebrero 8 ang militanteng mga grupo para suportahan ang testigo sa anomalyang ZTE-NBN na si Rodolfo Noel "Jun" Lozada, na muling idinawit sina dating Comelec komisyuner Benjamin Abalos at Unang Ginoo Mike Arroyo sa $329 overpriced na kontrata at sinabing mga tauhan ng Malakanyang ang dumukot sa kanya.

Mike Arroyo pinaaaresto

Sumugod sa Senado noong Pebrero 8 ang militanteng mga grupo para suportahan ang testigo sa anomalyang ZTE-NBN na si Jun Lozada, na muling idinawit si Unang Ginoo Mike Arroyo sa $329 overpriced na kontrata.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Kontra-Balikatan

Libu-libong mga residente ng Marawi City ang nagsagawa ng kilos-protesta noong Pebrero 4 laban sa Balikatan Exercises sa pagitan ng mga tropang Kano at Armed Forces of the Philippines na magsisimula sa Pebrero 18. Inirereklamo ng mga residente ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao kabilang ang pamamaril sa mga residente malapit sa kampo ng mga tropang Kano sa Zamboanga City at Sulu.