News Update

Archive - Mar 2008 - week_photo

Date
Type

Suporta sa NPA ng mga maralita't manggagawa

NAGSAGAWA ng raling iglap sa Divisoria ang Katipunan ng Samahan ng mga Anakpawis, isang rebolusyonaryong organisasyon ng mga maralita't manggagawa mula sa mga komunidad na kasapi ng National Democratic Front of the Philippines. (Ilang-Ilang Quijano)

Neri 'kahihiyan' sa UP

Dinumog ng mga estudyante, guro, at empleyado ng University of the Philippines-Diliman si Kal. Romulo Neri ng Commission on Higher Education na dumalo sa pulong ng Board of Regents noong Marso 27. Diumano'y "kahihiyan" sa UP ang patuloy na pananahimik ni Neri sa pagkakasangkot ni Pangulong Arroyo sa anomalyang NBN-ZTE.

Apoy ng katotohanan at hustisya

Itinatag ng mga kawani ng gobyerno ang alyansang Public Servants for Truth and Justice Now para iprotesta ang malawakang korupisyon sa gobyerno. Kabilang dito sina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, Ferdinand Gaite ng grupong Courage, at dating DOTC undersecretary Josie Lichauco. (Ilang-Ilang Quijano)

Ritwal ng kapatawaran

Noong Biyernes Santo, may ilan pa ring mga debotong Katoliko sa Cutud, Pampanga ang nagpapako sa krus para isabuhay ang kamatayan ni Hesukristo sa isang lumang ritwal ng kapatawaran para sa mga kasalanan. (Arwin Doloricon)

Paglabag sa karapatang pantao idinulog sa United Nations

Inirekomenda ni Atty. Edre Olalia ng National Union of Peoples' Lawyers at Counsels for the Defense of Liberties sa ika-7 sesyon ng United Nations Human Rights Council noong Marso 13 na imbestigahan ang mga kaso ng pagha-harass, pagdukot, at pagpatay sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa Pilipinas. (Contributed Photo)

Labi ng babae, hinukay sa Pangasinan

Sa hiling nina Linda Cadapan at Connie Empeño, ipinahukay ng Commission on Human Rights at Karapatan ang bangkay ng isang babaing hihinalang labi ni Sherlyn Cadapan, anak ni Linda, na dinukot diumano ng militar noong Hunyo 2006. (KR Guda)

Para kay 'Angeline'

Nagprotesta ang mga mag-aaral ng USM (University of Southern Mindanao) sa Cotabato City at ng grupong Suara Bangsamoro laban sa umano'y panghahalay ni Datu Montawal ng Maguindanao kay "Angeline" (di tunay na pangalan), 17 taong gulang na estudyante ng USM.

(Contributed Photo)

Makabayan

Pinangunahan nina (mula kaliwa) Jeppie Ramada at Joel Virador ng Bayan Muna, kasama ang saksi sa eskandalong NBN-ZTE na si Joey de Venecia ang pagkanta ng "Bayan Ko" sa porum na dinaluhan ng tatlo sa Assumption College of Davao noong Marso 7. (Keith Bacongco / AKP Images)

People power

Pinangunahan ng Suara Bangsamoro ang interfaith prayer rally sa Plaza sa Cotabato City noong Peb. 29. Nanawagan ang grupo ng pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo sa kasong korupsiyon. Kasama sa protesta ang Mindanao Interfaith for Human Rights Advocacy, Notre Dame Center for Cathecesis, JIL, Solidarity Network for Justice and Peace, Gabriela Youth, Liga ng Kabataang Moro at iba pang grupo.

DH kontra-Gloria

Pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Arroyo ang panawagan ng mga domestic helper sa Hong Kong.

(Kuha ng Unifil-HK)