News Update

Archive - Apr 2008 - week_photo

Date
  • All
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
Type

Protesta ng obrero

Dumagsa sa Maynila ang mga manggagawa mula Timog Katagalugan para singiin ang gobyernong Arroyo sa diumano'y pandarahas na nararanasan nila sa kanilang pabrika. Iginiit din ng grupo ang pagapasa sa P125 across-the-board nationwide na dagdag-sahod na nakabinbin ngayon sa Kamara. (Contributed Photo)

Hindi Aatras

Tinipon ni Atty. Romeo Capulong ang mga kinatawan ng progresibong mga party-list na sina (mula kaliwa) dating Anakpawis Rep. Rafael Mariano, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Gabriela Rep. Liza Maza at Bayan Muna Rep. Teddy Casiño matapos ang pagdinig sa "gawa-gawang" kaso ng gobyerno laban sa kanila sa Nueva Ecija. (Mikas Matsuzawa)

Obrero nangalampag

Nagpiket sa harap ng Kamara noong Abril 21 ang progresibong mga grupo para itulak ang dagdag-sahod, diumano'y nararapat na tugon ng gobyerno sa krisis sa pagkain. (Ilang-Ilang Quijano)

Dapat lumiban sa botohan

Lungsod Baguio- Hiniling ng Bagong Alyansang Makabayan sa Korte Suprema na mag-inhibit sa botohan kaugnay sa executive privilege ni Romulo Neri ang tatlong hukom na anila'y may malapit na ugnay sa Malakanyang o kay Neri. (Soliman Santos)

Ermita, sinungaling

Nagprotesta noong Abril 11 ang mga miyembro ng UPR (Universal Periodic Review) Watch sa Palais de Nation sa Geneva, Switzerland, para ipaalala sa internasyunal na komunidad ang madugong rekord sa karapatang pantao ng gobyernong Arroyo.

Diksiyonaryo ng kurakot

Hawak nina (mula kaliwa) Bonifacio Ilagan, Rodolfo "Jun" Lozada Jr. at Dr. Bienvenido Lumbera ang librong Corruptionary na naglalaman ng mga salitang karaniwang ginagamit sa korapsiyon sa iba't ibang antas ng gobyerno. Inilunsad ang libro noong Lunes, Abril 7. (Boy Bagwis)

Kalahati ang presyo, hindi ang kanin

Ito ang panawagan ng Gabriela, alyansa ng kababaihan, kaugnay ng kasalukuyang krisis sa bigas. Anila, hindi dapat ang taumbayan ang nagdurusa sa mga patakaran ng gobyerno na siyang dahilan ng krisis. (Boy Bagwis)