News Update

Archive - Jun 2008 - week_photo

Date
  • All
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
Type

PW kinilala sa JVO Awards

Kinilala bilang finalist sa Jaime V. Ongpin Awards for
Excellence in Journalism ang artikulong "Malansang balak ng Hapon sa
Pilipinas" nina Kenneth Roland A. Guda at Soliman A. Santos na lumabas
sa Pinoy Weekly noong Oktubre 2007. Kabilang sa naggawad ng plake ay
sina (kaliwa) Maribel Ongpin, miyembro ng Board of Trustees ng Jaime V.

Di makapaglayag?

Mistulang grounded ang porter na ito sa Cagban port sa Malay, Aklan, tulad ng mga pampasaherong barko ng Sulpicio Lines matapos ang bagyo na nagpalubog sa MV Pricess of the Stars. Sa aktuwal, nagpapahinga lamang siya sa paghahatid ng mga turista sa isla ng Boracay. (Ariston Valle)

Di nagpatinag

Nagtaas ng mga plakard ang progresibong grupong Anakbayan nang dumaan ang sasakyan ni Pang. Arroyo sa kanto bago mag-Bankerohan bridge sa Davao City noong Hunyo 18. Papunta si Arroyo sa deklarasyon ng pagsasanib ng mga partidong Lakas-CMD at Kampi
(Kabalikat ng Malayang Pilipino). (Barry Ohaylan)

Patayin

Sa protesta noong Hunyo 10, tinutulan ng mga magsasaka ang ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program, na inihahantulad nila sa isang peste. Bigo umano ang programa na maipamahagi sa kanila ang lupa. (Ilang-Ilang Quijano)

Maaga sa pila

Kumukuha ng mga numero ang mga residente bilang patunay na nakapila sila para sa bigas ng NFA (National Food Authority) sa palengke ng Bangkerohan sa Davao City. Pumipila na sila ala-una pa lamang ng umaga, pero dumating lang ang suplay bandang alas-siyete. Umabot na sa P51 ang presyo ng commercial rice sa lungsod noong nakaraang linggo.

Tugon sa taas-presyo ng langis

Nag-die in ang mga maralitang lungsod sa main office ng Caltex sa Makati City noong Hunyo 6 para iprotesta ang pagtaas sa presyo ng langis na inaasahang aabot sa P65 kada litro. Pinangunahan ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap) at Anakpawis Party-list ang protesta. (Danny Pata)

Nasaan sila?

Nagpiket noong Hunyo 4 ang mga kaanak at tagasuporta nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan sa harap ng Court of Appeals para igiit sa militar na ilabas ang dalawang estudyante na dinukot noong Hunyo 2006. Malapit nang matapos ang pagdinig ng CA kaugnay ng petisyong writ of amparo ng mga kaanak nina Karen at Sherlyn. (Kenneth Guda)