News Update

Archive - Jul 2008 - week_photo

Date
  • All
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
  • 31
Type

Pag-iingay ng maralita

Nagsagawa ng noise barrage ang mga miyembro ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap) sa Philcoa, Quezon City para iprotesta ang pagtaas ng presyo ng bigas at ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo. (Ilang-Ilang Quijano)

Di raw dapat suportahan

Hawak ng demonstrador ang mensahe ng Suara Bangsamoro sa pagbisita ni Pangulong Arroyo sa Cotabato City. Hinarang ng pulisya ang rali na nagmartsa sa Sinsuat Highway kung saan malapit ang Pangulo. (Contributed Photo)

Sugod sa gasolinahan

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa harapan ng gasolinahan ng Shell sa Commonwealth, Quezon City upang hilingin ang pagbaba ng presyo ng langis. (Darius Galang)

Obrerong gutom

Itinaas ng nakabelong mga babaing miyembro ng KMU o Kilusang Mayo Uno ang kanilang mga kaldero't kawali bilang simbolo ng laganap na kagutuman sa mga manggagawa at ordinaryong mamamayan. Nanawagan sila ng P125 dagdag-sahod. Nagprotesta ang mga manggagwa sa harap ng simbahan sa Quiapo. (Danny Pata)

Kontra sa 'mapanirang' proyekto

Pumagitna sa Edsa ang mga miyembro ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap) habang nakatigil ang trapiko para mag-ingay kontra sa mga proyektong panlungsod ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte na magdedemolis sa libu-libong maralitang bahay. (Boy Bagwis)

Ubos na ang kanin

Nagprotesta at nag-ingay ang mga maralita sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan sa Lanao City para hilingin ang pag-ampat sa sumisirit na presyo ng bigas sa Mindanaw. (Arkibong Bayan)

Hustisya para kay Hazel

Dinagsa ng mga miyembro ng Gabriela at Migrante International noong Hulyo 4, Philippine-American Friendship Day, ang tanggapan ng Department of Foreign Affairs para igiit ang hustisya para kay Hazel, biktima diumano ng panggagahasa ng sundalong Kano sa Okinawa, Japan. (Tonyo Cruz)

Libu-libong Moro nanawagan ng kapayapaan

COTABATO CITY - Nagtipon ang libu-libong mamamayang Moro sa city plaza sa naturang lungsod para manawagan ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front. Nagkaroon din ng parehong pagtitipon sa ibang lungsod at sentro sa Mindanaw.