News Update

Una, hindi siya magbibitiw.

Una, hindi siya magbibitiw. Nariyan ang lahat ng indikasyon na nagpapakitang determinado siyang kumapit sa poder sukdulang gumamit siya ng dahas (nas siya na nga niyang ginagawa.) Kung gayon, kailangang paigtingin pa ang mga protesta para mapalayas siya. Ilunsad ang bagong tipo ng people power na magpapakilos sa daang-libong mamamayan. Susi ang walang humpay na pagmumulat at pag-oorganisa. Malaking hamon ang resulta ng survey na nagsasabing halos 70% ng mamamayan, gayong nakikisimpatya sa panawagang umalis na si GMA, ay hindi pa handang sumama sa mga protesta. Malaking bahagdan nito ay nagmula sa D-E class brackets. Ibig sabihin, kailangang pukawin pa ang nakararaming mamamayan. Lagpas sa isyu ng korupsiyon na humahamig sa middle class, kailangan pang pag-ibayuhin ang paglalantad ng mga patakarang nagpapalala sa kahirapan at ikawing ito sa panawagang pagpapatalsik. Hindi na sasapat ang mga iniluwal ng mga nagdaang pag-aalsa. Kongkretong alternatibo ang pagbubuo ng transition council na tatagal ng tatlo hanggang limang buwan. Tungkulin ng konsehong ito ang pagpapanagot sa mga krimen ni Arroyo, paglilinis sa Comelec para bigyang-daan ang halalan, magpatupad ng mga kagyat na reporma na magbibigay ng kaunting alwan sa mamamayan lalong higit sa ekonomiya, at iba pa. Hindi ito ang ultimong tatapos sa paghihirap ng nakararami ngunit isang hakbang ito tungo sa mas matagal pang pagsisikhay para sa isang tunay na malaya at masaganang bukas.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options