News Update

Desisyon sa kaso ng Sentosa binatikos

in

BINATIKOS ng Alliance for Victims of Sentosa Recruitment Agency & Other Illegal Recruiter ang pagbasura ng NLRC (National Labor Relations Commission) sa reklamo ng mga ito laban sa SRA (Sentosa Recruitment Agency).

Ang naturang alyansa ay binubuo ng na binubuo ng PNA (Philippine Nurses’ Association), Migrante International, AHW (Alliance of Health Workers), HSA (Health Students’ Action) at pamilya ng pamosong Sentosa 27++.

Ang SRA, na pag-aari ni Francris Luyun, ang nagrekluta sa 26 na nars at isang physical therapist patungong US, para magtrabaho bilang mga caregiver doon, na naabuso kalaunan at naghain ng kaso sa mga korte sa New York.

Sa pahayag ng alyansa sa midya, panibagong pagkakait ng katarungan sa biktima ang nabanggit na desisyon ng NLRC. Anila, malinaw naman ang mga ebidensiyang magtuturo sa SRA bilang salarin sa sinapit ng mga biktima na magpahanggang ngayon, nagbubuno ng mga kaso sa US.

"Hindi namin maarok kung paano napagdesisyunan ni Executive Labor Arbiter Fatima Jambaro-Franco, na tuluyang ibasura ang kaso. Kung totoong binabayaran nang mataas at tinatrato nang tama ang mga nars, bakit sila nagbitiw sa kanilang mga tungkulin? At saka, napatunayan na ng mga kagawaran ng edukasyon at kalusugan ng estado ng New York na walang kasalanan ang mga nars, patungkol sa sinasabing pag-abandona ng mga ito sa kanilang mga pasyente?" sabi ng alyansa.

Anila pa, malinaw na may matataas na taong nakikialam kung kaya, ibinasura ang kaso, gaya nang ginawa noon ng POEA sa isyu ng pagbawi sa desisyon nitong suspendihin ang lisensiya ng kontrobersiyal na SRA.

Noel Sales Barcelona

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options