News Update

Pagpapalakas ng immune system

Jonathan Poblacion

LUBHA tayong nababahala kung may naririnig tayong balita ukol sa mga taong madalas na naoospital gaya ni FG Mike Arroyo dahil sa sakit sa puso at paghina ng immune system. Ang paghina ng immune system ay dulot na rin ng iba’t-ibang bisyo: Alak, pagkain ng mga sobrang makolesterol na pagkain at sigarilyo. Madali itong maiiwasan kung tayo ay maglalaan ng kaukulang pag-iingat sa ating diyeta.

Ugaliing kumain ng sariwang prutas at mga gulay upang maging "alkaline" at hindi "acidic" ang dugo, na karaniwang taglay ng taong sakitin. Halimbawa nito ay ang mga prutas na gaya ng pakwan, mangga, papaya at mga gulay gaya ng broccoli, repolyo, cauliflower, patatas, kalabasa, talong, okra, at kamatis.

Ang mga carbonated na soft drinks, artipisyal na pampatamis, keyk, baka, manok, beer at mga hard drinks, banana ketchup, mayonnaise, mga pagkaing gawa sa gatas, at nilagang itlog ay ilan sa mga pagkaing may mataas na antas ng asido. Iwasan, kundi man bawasan ang sobrang pagkonsumo nito. Nagtataglay ng toxins na unti-unting lumalason sa ating katawan ang mga pagkaing hindi natural o minanipaktura lamang sa pabrika. Iwasan din ang mga ito.

Ugaliing kumain ng karot, kalabasa at kamote dahil ito ay may pinakamaraming taglay na beta-carotene, na mas madaling ma-absorb ng ating katawan kapag ito ay luto. Makabubuti rin ang mga pagkaing mayaman sa fiber gaya ng papaya at oatmeal dahil nagbibigay ito ng proteksiyon laban sa carcinogens. Ang repolyo, cauliflower, at mga sprouts tulad ng broccoli at mga produktong gawa sa soya gaya ng taho at tokwa ay mayaman sa phytochemicals na panlaban naman sa kanser at iba pang sakit gaya ng colorectal, stomach cancer at tumor, bukod pa sa siksik ito sa anti-oxidants. Ang tuna, salmon, sardinas at mackerel naman ay mayroong Omega-3, nagpapasigla ng puso at nakakapagpatanggal ng bara sa ating mga ugat.

Tamang pag-iingat at tamang pagkain, ilan lamang ito sa makatutulong upang mapanatiling malusog ang ating katawan at maiwasan ang madalas na pagkakasakit.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options