News Update
105mm Howitzer ng 58th IB
Paglikas!
Mga kuha ni Sigfred Balmores
SURIGAODEL SUR– Umaabot na sa mahigit 2,500 katutubong Lumad ang lumikas sa mga bayan ng Anahao Daan, Tago, Lianga, San Agustin, at Miguel. Iniwan ng mga Lumad ang kanilang mga tahanan, ari-arian, at sakahan dahil sa operasyong militar ng 58th Infantry Batallion ng Philippine Army laban sa NPA (New People’s Army).
Reklamo ng mga magsasaka, tinututukan sila ng baril, hinahalughog ang
kanilang mga kagamitan, at nakikitira sa kanilang mga tahanan ang mga sundalo.
Maging ang mga eskuwelahan, pinapasok ng mga sundalo sa paghahanap ng mga
rebelde. Kasalukuyang nagsisiksikan sa mga barangay hall ang mga Lumad. Ang
masama pa, ginagawa silang panangga sa maaaring pag-atake ng NPA.
Binatikos ni Sen. Loren Legarda ang militarisasyon at umapela sa 58th IB
na huwag idawit ang mga sibilyan sa kanilang operasyon. “Ipinakikita ng
problemang ito na dapat may mapayapang resolusyon sa giyera na nakaugat sa
kawalan ng hustisya sosyal sa lipunang Pilipino,” aniya.

RSS