News Update

Malaking protesta kontra-Arroyo kasado sa Peb. 29

in
Noel Sales Barcelona

ISANG malaking pagtitipon ng grupong kritikal sa gobyernong Arroyo ang gaganapin sa darating na Pebrero 29, para igiit ang pagbibitiw ng punong ehekutiba.

Inaasahanag nasa 12,000 hanggang 20,000 katao, mula sa iba't ibang grupong militante, mga relihiyoso, mga negosyante at kabataan ang dadalo sa protesta sa Ayal, Lungsod ng Makati.

Bukod sa mga frupong kontra-Arroyo, nangakong lumahok at magpakilos ang Makati Business Club, ilang Katolikong pamantasan tulad ng De La Salle University, University of Sto. Tomas at Ateneo de Manila University, at iba pang sektor.

Nakatakdang magpadalo rin ng mga miyembro ng El Shaddai si Bro. Mike Velarde.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na bubuhos ang libu-libong katao sa mga lansangan para singilin at isulong ang pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options