News Update
Ahente ng Army sa Sorsogon pinarusahan ng NPA
“PINARUSAHAN” ng Celso Minguez Command ng NPA (New People’s Army) si Jam Lagamayo, “matinik” na ahente ng Isafp (Intelligence Service, Armed Forces of the Philippinse) noong Pebrero 20 sa Bulan, Sorsogon.
Ayon kay Samuel Guerrero, tagapagsalita ng NPA sa lugar, responsable umano si Lagamayo sa maraming kaso ng pamamaslang na ekstrahudisyal, kabilang ang pagpaslang sa lider-estudyante na si Rei Mon Guran at sa isang tricycle driver na si Manny Botalon.
Isa rin umano si Lagamayo sa mga nagtatag ng Barangay Intelligence Network sa loob at labas ng Bulan at nasangkot din sa paglalako ng ilegal na droga.
Nanawagan pa ang NPA sa militar at pulisya na makiisa na sa laban ng sambayanan at “tuluyan nang talikuran ang sindikatong rehimeng US-Arroyo.”
RSS