News Update

Protestang kontra-Gloria, laganap sa Mindanaw

in
Abigail Bernardino

INAASAHANG magtitipon ang mahigit na 10,00 katao ngayong Biyernes, Marso 7, sa mga pangunahing lungsod ng Mindanaw upang ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pang. Arroyo.

Gaganapin ang mga kilos-protesta, pagdadasal at pag-iilaw ng kandila, mga konsiyerto sa Lungsod ng Davao, Cagayan de Oro, Butuan, Surigao, Tandag, Iligan, Dipolog, Pagadian, Ozamis, Lungsod ng Zamboanga, Kitaotao at Malaybalay sa Bukidnon.

Pangungunahan naman ng Samin o Sisters’ Association in Mindanao, United Church of Christ in the Philippines at Iglesia Filipina Independiente ang isang interfaith worship sa Rizal Park sa Lungsod Davao, alas-tres hanggang alas-sais ng gabi sa araw na iyon.

Sa Cagayan de Oro, pangungunahan ng Kamatuoran o Kalihukan sa Mindanao alang sa Kamatuoran, grupong pangkabataan mula sa IFI, at Youth Act Now ang isang martsa na may dala-dalang mga effigy ng tinaguriang “Malacañang Mafia.”

Suportado naman ng Bayan ang interfaith march na pamumunuan ni Dipolog Diocese Bishop Jose Manguiran na mag-uumpisa sa Plaza Magsaysay hanggang sa Rizal Avenue.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options