News Update

Abalos di tatanggapin ng kabataan sa eskuwela

in
Noel Sales Barcelona

BINALAAN ng kabataan ang grupo ni dating Comelec (Commission on Elections) chairman Benjamin Abalos sa plano nitong magsagawa ng campus tour para ihayag ang kanilang panig sa kontrobersiyal na kasunduang NBN-ZTE.

Ani Alvin Peters, tagapagsalita ng Youth Act Now! (Youth for Accountability and Truth Now), dahil deklarado ng ilang paaralan sa Kamaynilaan na ang mga ito’y Truth Zones/GMA Free zones, baka mapahiya lamang si Abalos dito.

Kabilang sa mga paaralang idineklarang Truth Zone/GMA Free zone ang PUP (Polytechnic University of the Philippines), UP (University of the Philippines) Maynila at Diliman, Ateneo de Manila University, Far Eastern University, University of Sto. Tomas, Arellano University-Main (Legarda, Maynila), at marami pang iba sa Luzon, Bisaya at Mindanaw.

Pinasaringan ni Peters ang grupo nina Abalos na baka “nagguguni-guni” sa pag-asang mainit din silang tatanggapin ng mga kabataan gaya nang pagtanggap nila sa NBN-ZTE star witness na sina Jun Lozada at Joey de Venecia.

“Hindi papayagan ng mga kabataan na pumasok sa mga paaralan nila ang tiwali at sinungaling na mga opisyal,” sabi pa ni Peters.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options