News Update
KMP kay Noli: sabik masyado
Nairita ang KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) sa pahayag ni Bise Presidente Noli de Castro na handa itong maging presidente ng Pilipinas kung saka-sakali. Sinabi pa nila na masyadong atat si de Castro sa posisyon para magpahayag ng ganoon.
Ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, kung talagang gusto ng pangalawang Pangulo na maging Presidente ng Pilipinas, dapat ay sumali muna ito sa mga protesta at iba pang panawagan para patalsikin sa puwesto ang kasalukuyang lider ng administrasyon.
“Kailangan niyang paghirapan at patunayan ang sarili niya,” dagdag pa ni Mariano.
Kung sakali man daw na mapababa si GMA sa puwesto sa pamamagitan ng People Power, nasa taumbayan pa rin ang huling desisyon kung sino ang magiging susunod na Presidente ng Pilipinas. Pero dahil matalino na ang mga tao ngayon sa pagpili ng mga magiging opisyal sa gobyerno, malabo ring mapasakamay ni de Castro ang posisyon dahil sa ipinapakita niyang pagsuporta kay GMA, aniya.
RSS