News Update

Sen. Honasan, binatikos ng NDFP

in
Noel Sales Barcelona

IKINAIRITA ni Luis Jalandoni, punong negosyador ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines) ang personal na atake kay Jose Ma. Sison, punong punong kasangguning pulitikal ng NDFP, hinggil sa pag-uutos diumano ng huli sa mga Pilipino na dumagsa sa lansangan para patalsikin sa poder si Pang. Arroyo.

Ani Jalandoni, walang basehan ang naging akusasyon ng dating koronel, na aniya, sagad-sagaring anti-komunista.

“Alam na alam ng publiko na naganap ang interfaith prayer rally noong Peb. 29 dahil sa pagsama-sama ng mga grupong ekumenikal, relihiyoso, mga puwersang patriyotiko at progresibo, at kabataan,” paliwanag ni Jalandoni.

Aniya pa, dapat na maging mulat si Honasan sa katotohanang sistematiko at sagad-sagaran ang paglabag ng gobyerno sa karapatang pantao, kabilang na ang pagdukot at pagkawala ng mga kasangguni ng NDFP sa Pilipinas na sina Prudencio Calubid, Leo Velasco, at marami pang iba.

Nilinaw rin ni Jalandoni na ang pananatili ni Sison sa The Netherlands ay sa pakiusap na rin ng NDFP hanggang sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan, sakaling matapos ang rehimen ni Arroyo.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options