News Update
Mga Pinay sa New York nagprotesta vs. PGMA, Bush
ISANG martsa ng pagkakaisa laban kay Pang. Gloria Macapagal-Arroyo ang inilunsad ng kababaihan sa New York noong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.
Sa naturang martsa, iginiit ng kababaihan, sa pangunguna ng Gabriela, Philippine Peasant Support Network, at Mariposa Women’s Group, ang pagpapatalsik kay Pang. Arroyo at pagwawakas ng pakikialam ng Estados Unidos sa mga ugnayang panloob ng Pilipinas.
Anila, dapat lamang na kondenahin nang todo ang pagsuporta ng gobyernong Bush sa papet, pasista at tiwaling rehimen ni Pang. Arroyo at, singilin ang pangulo ng Pilipinas sa pagpapahirap nito sa kababaihan.
Kaalinsabay nito, ang pagbatikos sa pagsasawalang-kibo diumano ng rehimeng Arroyo sa kaso ng isang 21-anyos na Pilipinang ginahasa ng isang sundalong Amerikano, sa Okinawa, Japan.
Noel Sales Barcelona
RSS