News Update

Manggagawa nagprotesta sa embahada ng Japan, Taiwan, Korea at Switzerland

in

Kinalampag ng mga grupo ng mga manggagawa mula sa Timog Katagalugan, sa pamumuno ng Pamantik-KMU (Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno) ang mga embahada ng Japan, Taiwan, Korea at Switzerland sa ikatlong araw ng kanilang isinasagawang “Lakbayan” noong Marso 5.

Ito ay bilang pagtutol sa hindi makatarungang trato sa mga manggagawa ng malalaking kompanya ng Nestle, Nissan at Toyota, na nasa ilalim ng pamamahala ng nasabing mga bansa.

Ayon kay Romeo Legaspi, pangkalahatang kalihim ng Pamantik, idinulog na nila sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing tungkol sa mga nabanggit na mga kumpanya subalit wala naman itong ginagawang aksiyon.

Bilang patunay, mayroong 504 na kaso ang nakabinbin pa rin hanggang sa ngayon sa mga ahensiya ng gobyerno sa rehiyon. Ilan sa mga ahensiyang ito ay ang National Labor Relations Commission o NLRC, Bureau of Labor Relations, Department of Labor and Employment, Court of Appeals, at Supreme Court.

Dagdag pa ni Legaspi, patuloy ang pangulo sa pagiging “tuta” ng mga dayuhang kapitalista. Kasama sa panawagan ng grupo ang pagpapatalsik kay Arroyo.

Ang “Lakbayan ay magpapatuloy hanggang Biyernes, ika-7 ng Marso at magtatapos sa isang martsa sa Mendiola.

Ma. Eden Flores

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options