News Update

Manggagawang dinahas nagmartsa sa Mendiola

in
John Romeo L. Venturero

Nagmartsa patungong Mendiola noong Marso 7 ang mga manggagawa ng Timog Katagalugan na dinahas ng mga pulis sa harap ng Dole (Department of Labor and Employment).

Isinugod ang 17 ang Philippine General Hospital at higit 30, kabilang ang ilang mga kababaihan, ang nagtamo ng maliliit na sugat matapos gamitan ng mga water cannon at batuta ng mga miyembro ng MPD (Manila Police District) ang mahigit 400 manggagawa.

Nag-vigil ang mga manggagawa, na naglalakbay simula pa noong Marso 3, sa harap ng tanggapan ng Dole, Intramuros, Maynila nang idispers bandang 8:30 ng gabi noong Marso 6.

Aksiyon ng Dole sa iba’t ibang mga kasong paggawa ang hiling ng mga manggagawa na mula sa mga kompanya sa industrial enclave sa Timog Katagalugan, tulad ng Nestle Philippines, Nissan Motors, at Toyota Philippines.

Nsugatan ang daliri ng isang manggagawa matapos tangkaing saksakin ng kutsilyo ng isang pulis, ayon sa Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik-KMU).

Lima ang nananatiling nakadetine sa MPD Headquarters, kabilang ang isang vendor mula sa Sta. Cruz, Manila na si Jay Aban at si Marlon Torres ng Pamantik-KMU, na kinuyog at kinaladkad umano ng mga pulis.

Ni-ransack din umano ng mga pulis ang mga dyip ng mga manggagawa at nawala ang ilang mga pitaka at cellphone.

"Dapat managot ang mga pulis Maynila na parang mga asong-ulol na uhaw sa dugo sa kanilang ginawang pambubugbog sa aming hanay. Hindi masukat ang aming galit sa karahasang tugon sa aming mapayapang pagpapayahag ng aming mga makatarungnag hinaing sa DOLE, " pahayag ni Janet Barrientos, coordinator ng Gabriela Timog Katagalugan at isa sa mga sugatan.

Sa isang indignation rally sa harap ng Dole, nagdala ang mga manggagawa ng tarpaulin kung saan inihalintulad si Kal. Arturo Brion kay Adolf Hitler. Sa Mendiola, nagsunog ang mga manggagawa ng effigy ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sasanib ang mga manggagawa ng Timog Katagalugan sa protesta sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan sa Marso 8.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options