News Update
Pambayad-utang ‘di iuulat ng Malakanyang sa Kongreso
IBINASURA ni Pangulong Arroyo ang probisyon sa pinirmahang 2008 pambansang badyet na mag-oobliga sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Finance na magsumite sa Kongreso ng ulat sa mga ibinayad ng gobyerno sa lokal at dayuhang pautang.
Binatikos ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang pagbabalewala sa espesyal na probisyong inilagay ng mga mambabatas para siguruhing hindi babayaran ng taumbayan ang mga pautang na “maanomalya, magastos at walang silibi” tulad ng para sa $329 Milyong proyektong NBN-ZTE na inayudahan ng China Export-Import Bank.
Layon din ng probisyon hinggil sa pag-uulat na imonitor ang aktuwal na mga disbursement para sa pambayad-utang na umano’y kadalasang mas malaki kaysa inilaan ng Kongreso, sabi ng senador.
Aniya, lalong iisipin ng taumbayan na may anomalya sa likod ng pagtatakip.
RSS