News Update

'Lider ng CPP' ipinatatawag ng korte sa Samar

in
Soliman A. Santos

INIUTOS ni Judge Jovito Abarquez ng Regional Trial Court Branch 30 sa Basey, Samar ang pagpapatawag sa 37 mga respondent, na pawang mga kasapi ng CPP (Communist Party of the Philippines), sa isang petisyon para sa writ of amparo na isinampa ng pamilya ng isang nawawalang opisyal ng barangay.

Sa pagdinig na ginawa noong Marso 24, naglabas rin ng order of protection si Abarquez para kay Dennis Guttierez, anak ni Elizabeth Gutierrez na pinaniniwalaang dinukot ng NPA (New People’s Army) noong Oktubre 24, 2007.

Inako naman ng National Democratic Front – Eastern Viasayas ang pagpatay kay Elizabeth dahil nagsilbi umano itong espiya ng gobyerno.

Isinampa ni Dennis noong Pebrero 17 ang petisyon laban kina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo 24, Jose Maria Sison at asawa nitong si Julieta De Lima-Sison, Luis Jalandoni, Randal Echanis at iba pa.

Itinanggi ni Ocampo na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Guttierez at sinabing bahagi lamang ito ng paninikil sa militanteng mga grupo.

Sinabi naman ni Echanis, kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at kasalukuyang nakakulong sa Palo, Leyte na layunin lamang ng naturang petisyon na harasin siya.

Si Echanis ay isa sa mga respondent sa kasong mass murder kaugnay ng mass grave ng hinihinalang “purgahan” sa mga komunista mula 1984 – 1987 sa Hilongos, Leyte.

Samanatala, si Sison, ang kanyang asawa at si Jalandoni ay nasa The Netherlands habang pinangalanan naman ang iba pang respondent bilang kumander ng NPA.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options