News Update
Pastor sa Mindoro, ikinulong
KINUMPIRMA ng Karapatan-Timog Katagalugan na isang pastor ang ikinulong sa Provincial Jail ng Mindoro Occ. noong Marso 18 at nahaharap ngayon sa “gawa-gawang mga kaso.”
Kinilala ang biktimang si Pastor Mel Abesamis, pastor ng United Methodist Church at dating pangkalahatang kalihim ng Karapatan-Mindoro Occ..
Ayon sa Karapatan, napabalita noong Marso 15 na may dinukot na kasapi ng Karapatan sa San Jose, Mindoro Occidcental. ngunit walang detalye kaugnay ng insidente. Dalawang araw na nawala ang biktima hanggang matuklasan nilang nakakulong nga ito.
Sinampahan ng lokal na pulisya ng apat na bilang ng pagpatay at pagnanakaw ang pastor kaugnay ng hinihinalang labanan sa pagitan ng Philippine National Police 407th Provincial Mobile Group at New People’s Army noong Mayo 10, 2007.
RSS