News Update
CBCP Nassa, nakipagtulungan sa DA para sa distribusyon ng bigas
Isang kasunduan ang maaaring pasukin sa pagitan ng impluwensiyal na Simbahang Katoliko at DA (Department of Agriculture), para sa maayos na distribusyon ng bigas sa mga probinsiya at para tiyaking may sapat na suplay nito sa mga lugar na higit na nangangailangan nito.
Sa ulat na nakalap ng Pinoy Weekly mula mismo sa CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines), tinitignan ni Sek. Arthur Yap ng DA, ang Nassa (National Secretariat for Social Action) na tagamudmod ng de-kalidad na bigas.
Kinumpirma ni Sr. Rosanne Malilin, direktor-ehekutibo ng Nassa, na nagmungkahi nga ang gobyerno na makipagtulungan ang Simbahan para masigurong may sapat na suplay ng bigas na murang mabibili ng mga mamamayan sa halagang P18.25/kilo.
Ayon kay Sr. Malilin, lumutang ang mungkahi dahil na rin sa marami nang Tindahan Natin, na pangunahing mabibilhan ng bigas-NFA, ang binawian ng lisensiya.
Ayon pa kay Sr. Malilin, tutukuyin ng Nassa ang mga parokya sa bansa na maaaring pagbagsakan ng produkto at magsisilbi ring distributing outlet ng murang bigas para sa mga tao.
RSS