News Update

Protesta ng manggagawa kontra Arroyo, tuluy-tuloy

in
Noel Sales Barcelona

MAGTUTULUY-TULOY ang protesta ng mga manggagawa para singilin si Pangulong Arroyo sa diumano’y mga kasalanan nito sa sektor ng paggawa.

Noong Marso 27, sinimulan ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang pagawaan sa Metro Manila ang kanilang protesta, sa pangunguna ng kabubuo pa lamang na alyansang Workers’ Action (Workers for Accountability, Truth and Arroyo’s Resignation).

Umpisa pa lamang ito ng sunud-sunod na kilos-protesta ng mga manggagawa, ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno o KMU, isa sa mga tagapagtatag ng Workers’ Action.

Lumahok sa protesta ang mga manggagawa sa piyer, Tutuban sa Maynila, Novaliches sa Lungsod Quezon, Marikina, Pasig, Las Piñas, at sa mga lalawigan sa Timog Katagalugan.

“Inaasahan naming tuluy-tuloy nang magpoprotesta ang mga manggagawa. Magtatayo ng lokal na mga alyansa ng mga unyon at maralita upang labanan ang pagpipilit ni Arroyo na manatili sa puwesto sa kabila ng mga nabubunyag na kabulukan, abuso at pagpapabaya nito sa kapakanan ng manggagawa at taumbayan,” aniya.

Dagdag pa niya, sa buong panahon ni Arroyo, napakaliit ng umento sa sahod na natanggap ng mga manggagawa, na “naibigay dahil na rin sa pagpupumilit ng mga manggagawa.”

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options