News Update

Mga biktima ng sapilitang paglikas sa Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur

Paglikas!

Mga kuha ni Sigfred Balmores

SURIGAODEL SUR– Umaabot na sa mahigit 2,500 katutubong Lumad ang lumikas sa mga bayan ng Anahao Daan, Tago, Lianga, San Agustin, at Miguel. Iniwan ng mga Lumad ang kanilang mga tahanan, ari-arian, at sakahan dahil sa operasyong militar ng 58th Infantry Batallion ng Philippine Army laban sa NPA (New People’s Army).


Reklamo ng mga magsasaka, tinututukan sila ng baril, hinahalughog ang kanilang mga kagamitan, at nakikitira sa kanilang mga tahanan ang mga sundalo. Maging ang mga eskuwelahan, pinapasok ng mga sundalo sa paghahanap ng mga rebelde. Kasalukuyang nagsisiksikan sa mga barangay hall ang mga Lumad. Ang masama pa, ginagawa silang panangga sa maaaring pag-atake ng NPA.


Binatikos ni Sen. Loren Legarda ang militarisasyon at umapela sa 58th IB na huwag idawit ang mga sibilyan sa kanilang operasyon. “Ipinakikita ng problemang ito na dapat may mapayapang resolusyon sa giyera na nakaugat sa kawalan ng hustisya sosyal sa lipunang Pilipino,” aniya.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options