News Update
Tsinong nagtatago ng bigas sa Isabela, tutugisin ng BI
Puntirya ngayon ng mga ahente ng BI (Bureau of Immigration) ang mga Tsino na sangkot umano sa pag-iimbak ng bigas (rice hoarding) sa Isabela.
Ayon kay Marcelino Libanan, hepe ng BI, may mga ulat silang natanggap na mayroong mga Tsino na kumukontrol sa mga tindahan ng bigas sa mga bayan sa Isabela. Aniya, pumasok ang mga ito bilang mga turista.
“Hindi sila puwedeng magnegosyo rito,” sabi ni Libanan.
Batay sa mga ulat na nakalap ng BI, ginagamit ng mga Tsino ang lokal na mga residente, para malayang makapagnegosyo ng bigas sa Isabela.
Nauna rito, inalerto ni Libanan ang kanyang mga tauhan sa buong bansa, hinggil sa mga dayuhang turista na nagnenegosyo ngayon sa Pilipinas.
Ani Libanan, panananagutin sa batas ang sinumang dayuhang napatunayang ilegal na nagnenegosyo sa bansa.
RSS