News Update
680 magsasaka sa Bukidnon pinalalayas
posted 10-Apr-2008
in
Soliman A. Santos
Mahigit 680 pamilya ng magsasaka sa Bukidnon ang pinalalayas ng CMU (Central Mindanao University) sa kanilang lupaing sinasaka.
Ayon sa KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas), dinadahas at sinisira ng administrasyon ng CMU ang mga pananim ng mga magsasakang kabilang sa Bukidnon Free Farmers Agricultural Laborers Organization, Limus Farmers Association at Tamaraw Peasant Organization na mahigit 20 taon nang nagbubungkal sa naturang lupain.
Pinalalayas ng CMU ang mga magsasaka para gawin umanong plantasyon ng saging at pinya ang lupain.
Tinatayang 4,320 tonelada ng palay ang inaani ng mga magsasaka sa naturang lugar. Naniniwala sila na hindi sila dapat palayasin dahil nakatutulong sila sa krisis sa bigas na kinakaharap ng bansa.
RSS