News Update

Kalagayang pangkarapatang pantao sisiyasatin ng Ministrong Briton

in
Noel Sales Barcelona

Bukas-palad na tatanggapin ng Malakanyang ang pagbisita ni British Foreign Minister Meg Munn sa Maynila para siyasatin ang kalagayan ng karapatang pantao sa bansa.

Ani Lorelei Fajardo, pangalawang tagapagsalita ni Pang. Arroyo, magandang senyales sa panig ng gobyerno ang planong pakikipag-usap ni Munn sa Pangulo. Wala pang pirming iskedyul ang pagbisita ni Munn.

Inihayag noong Abril 4 ni British Amb. Peter Beckingham ang pagbisita ni Munn para tulungan ang gobyernong Pilipino sa pagresolba sa kaso ng diumano’y tumitinding paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

“Anumang tulong, bukas-loob nating tatanggapin,” ani Fajardo.

Sa ilalim ng gobyernong Arroyo, may mahigit 900 kaso ng pampulitikang pamamaslang at halos 200 kaso ng pagdukot, ayon sa talaan ng Karapatan.

Isinisisi ito ng grupo sa mga ahente ng gobyerno na gumagalaw sang-ayon sa programang kontra-insurhensiya ni Arroyo na Oplan Bantay Laya.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options