News Update

Playboy Philippines binatikos ng Gabriela

in
Ilang-Ilang Quijano

Binatikos ng Gabriela, pambansang alyansang pangkababaihan, ang paglulunsad ng edisyon sa Pilipinas ng Playboy, kilalang internasyunal na magasing pangkalalakihan.

“Nadidismaya kami na habang sinisikap namin at ng iba pang mga nagsusulong ng mga karapatang pangkababaihan na iangat ang imahe ng kababaihan, patuloy na pinagkakakitaan ng malalaking negosyante ang kultura na tumitingin sa kababaihan bilang mga produkto,” ayon sa grupo.

Nababahala rin ang Gabriela na inilulunsad ang magasin na “nagpapatindi sa pyudal-patriyarkal na pagtingin sa kababaihan” sa panahong matindi ang kahirapan at mas bulnerable ang kababaihan sa pang-aabuso.

Umano’y pagsisikapan ng grupo na lalong imulat ang publiko—kapwa lalaki at babae—sa karapatan ng kababaihan at sa lugar ng kababaihan bilang produktibong mga miyembro ng lipunan.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options