News Update

Pagmimina ng ZTE sa Mt. Diwalwal pinatitigil

in
Ilang-Ilang Quijano

PINATITIGIL ng mga grupong makakalikasan at ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang konsesyon sa pagmimina sa Mt. Diwalwal, Compostela Valley at Davao del Norte na ipinagkaloob ng gobyerno sa ZTE International Investment Ltd., kompanyang Tsina na sangkot din sa maanomalyang proyektong NBN (National Broadband Network).

“Ano ang espesyal sa ZTE at handa ang administrasyong Arroyo na magbigay ng multi-bilyong dolyar na mga proyekto, mula sa telekomunikasyon hanggang sa pagmimina?” ani Clemente Bautista, national coordinator ng Kalikasan-People’s Network for the Environment.

Sa pagdinig ng Senado noong Marso 11, ibinulgar ni Kal. Peter Favila ng Trade and Industry na kabilang ang konsesyon sa pagmimina sa ZTE sa $4-Bilyong pautang ng Tsina na pinirmahan ng gobyerno noong Marso 14, 2006.

Dininig ng Korte Suprema kamakailan ang apela ng Southeast Mindanao Gold Mining Corporation o SEMGMC sa desisyon ng korte noong nakaraang taon na ikansela lahat ng mga mining permit sa erya para bigyang daan ang pagpasok ng ZTE.

Ayon kay Franco Tito, lider-komunidad sa Mt. Diwalwal, lalong mapipinsala ang kabuhayan ng katutubong mga komunidad. “Ang dapat gawin (ng gobyerno) ay ilaan ang ating pambansang patrimonya sa tulad naming Pilipino at maliliit na minero, at hindi sa dayuhan,” aniya.

Samantala, sinabi ni Pimentel na naoobliga lamang ang gobyernong Arroyo na ibigay sa ZTE ang konsesyon sa pagmimina kapalit ng kinanselang proyektong NBN na batbat ng anomalya.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options