News Update

Presyo ng bilihin kontrolin – Bayan

in
Soliman A. Santos

Nanawagan ang Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) sa gobyerno na kontrolin ang presyo ng mga pangunahing bilihin para mabigyan ng kaunting ginhawa ang mahihirap na konsiyumer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, arina at iba pa.

Hiniling din ng grupo na suspendihin o tanggalin na ang VAT (value added tax) sa langis at kuryente na lalong nagpapataas ng presyo ng mga nabanggit na produkto.

Noong nakaraang linggo, muling tumaas ng 50 sentimos kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo habang inaasahan pang mananatiling mataas ang presyo ng mga pagkain dahil sa lokal at pandaigdigang mga kadahilanan.

“Hindi dapat hayaan ang mga konsiyumer sa dikta ng malayang kalakalan. Dapat magkaroon ng proteksiyon mula sa patuloy na pagtaas ng presyo sa panahong ito ng krisis. Ito ang tungkulin ng gobyerno, ang protektahan ang mga konsiyumer,” sabi ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Dagdag pa ni Reyes, dapat itigil na ng gobyerno ang pag-arte nito na wala itong magagawa sa harap ng krisis.

Iginiit ng Bayan na may kartel sa langis at bigas – dalawang bilihing lubhang mahalaga para sa Pilipinas – na na siyang nagdidikta ng mataas na presyo sa pamilihan.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options