News Update
NEP Ang Huwaran: Alay kay Dr. Nemesio E. Prudente
posted 17-Apr-2008
in
Carol P. Recto
pilat na tanda ng pakikipaglaban
sa pagtataguyod ng prinsipyo’t katuwiran
sa ikasusulong ng sambayanang kalagayan.
panday kang humuhubog ng kaisipan
paghahangad pambansang kasarinlan
sandata mo’y edukasyong tunay
para sa Pilipinong uhaw sa kalayaan.
idolo kang tinitingala ng marami
simbolo ng katarungan para sa mga api
lakas na umaalimpuyo sa sulok ng malay
gumigising sa diwang nanlulupaypay.
paninindigan ay moog ang katulad
sa kumunoy ng tukso di ka mahatak
yaman ay dangal at dignidad
katatawanan ka sa paligid na burak.
‘yong katauhan gabay sa karimlan
pagtahak sa dilim, paghawan ng daan
upang liwanag ng kapayapaan
agawin sa palad ng mga dayupay.
di man makata at kapos kaalaman
inspirasyon kang sa aki’y gumabay
iginuhit sa salita mga katangian
isang maningning na huwaran ng mga lingkod-bayan.
ngunit kulang ang mga salita sa talatinigan
upang bigyang dangal ang ‘yong kadakilaan
paumanhin sana’y huwag mapagkaitan
kakulangan sa paglalarawan ng ‘yong katangian.
12/19/89
RSS