News Update
Pagmaksimisa sa iyong cellphone
Jonathan Poblacion
Ang nakikita mo bang silbi ng iyong cellphone ay hanggang text messaging, mobile games at pantawag lamang? Sa totoo lang, mayroon itong ilang natatagong functions upang makatulong sa ilang kumplikadong sitwasyon. Narito ang ilan sa mga ito:
• Kapag ikaw ay nasa isang lugar na walang network signal at mayroong pangkagipitang kalagayan para humingi ng tulong, subukang i-dial ang numerong 112. Ang iyong cellphone ay maglalabas ng emergency signal at kokonekta sa anumang mobile network na pinakamalapit sa lugar. Kahit naka-lock ang iyong keypad, maari pa rin itong mai-dial.
• Ang mga nakaumbok na marka sa numerong '5' ng iyong cellphone keypad ay upang tulungan na gumamit ang mga taong may kapansanan sa paningin.
• Kung sobrang mababa na ang power ng baterya ng iyong cellphone, subukang pindutin ang *3370# at mag-aactivate ito ng reserbang power. Dodoblehin nito ang anumang natitira pang laman ng baterya ng iyong cellphone. Hindi ito aplikable sa ilang kilalang brand ng unit ngunit maari pa ring subukan.
• Kapag naiwala o nanakaw ang iyong cellphone, maari mo itong i-configure upang hindi na pakinabangan ng sinumang nagtangkang hindi magbalik o nagnakaw. Upang masiguro ito, sa simula pa lamang na ginagamit ang iyong cellphone ay kunin na ang tinatawag na unique serial number nito. Upang makuha, pindutin lamang ang *#06# at maglalabas ito ng mga numerong may 13-digit. Ilista ito kasama ang brand ng cellphone at ito ang iyong ibibigay sa iyong network service provider (hal: Smart, Globe, Sun) sa panahong nanakaw ang iyong unit. Iba-block ng kompanya ang abilidad ng cellphone na makapag-text at makatawag kaya hindi na rin magagamit ang iyong cellphone.
• Kapag ikaw ay may kotse na mayroong remote lock system o remote lock, at naiwanan mo halimbawa ito sa loob ng iyong sasakyan, maaring makatulong ang iyong cellphone. Kung mayroong kang duplicate, kahit nasa malayong lugar pa ito, gaya halimbawa nasa iyong tahanan, ito samantalang ikaw ay nasa trabaho. Tawagan lamang ang sinuman sa iyong tahanan gamit ang iyong cellphone at bigyan ng direksiyon na itutok niya sa mouthpiece ng cellphone ang remote at pindutin ang ‘unlock’, habang ikaw naman ay nakatutok ang receiver ng phone sa mismong harapang pintuan ng kotse (driver’s door). Pagkapindot ng iyong kasambahay sa ‘unlock’, bubukas na ito.
Marami pang gamit ang iyong cellphone bukod sa mga nabanggit. Makabubuti rin na basahing mabuti ang manual nito upang mamaksimisa ang paggamit.
RSS